CHAPTER 30: ARGUE Rhys's POV Ngayong tapos na kaming gumanti, bumalik na kami sa karwahe namin. Gabi na kaya hindi na kami maaring bumiyahe pa dahil delikado. Lumayo na lang kami sa pwesto ng pitong lalaking 'yon, madali lang naman para sa amin ang humanap ng pagtataguan ngayong gabi dahil kabisado ni Zion ang lugar na ito. Alam niya ang pwesto na hindi masyadong pupuntahan ng tao. Kailangang mapalabas namin na tanghali pa lang ay wala na kami sa Fundio, para hindi kami pagbintangan na kami ang umatake sa grupo ni Archie. Ito na ang huling bahagi ng plano, kapag nakaalis kami bukas ng umaga na walang nakakakita sa akin... kami na ang panalo sa maruming laro nila. Sigurado ako na kapag nagising ang pitong 'yon, magsisimula silang magturuan at magsisihan kung sino ang may kasalanan sa na

