CHAPTER 35: MABISANG PRINSESA Rhys's POV Ang sakit ng buong katawan ko. Dahan-dahan kong ginalaw ang mga kamay at paa ko, pinapakiramdaman ko kung kaya ko bang bumangon. Ilang saglit pa ay nagawa ko naman ito kahit masakit, tingin ko naman ay kaya kong tumayo. Unti-unting pinoproseso ng utak ko ang mga nangyari, hindi ko alam kung paano ako napunta sa kamang hinihigaan ko ngayon at kung sino ang gumamot sa akin. Basta ang alam ko lang ay naglaban kami ni Cush tapos matatalo na 'ko dapat pero pinilit ko sumugod ulit tapos may humarang sa akin... Si Zion. Nanlaki bigla ang mata ko. Sa pagkaka-alala ko, galit na galit siya. Nasaan kaya ang lalaking 'yon ngayon? Hindi naman siguro siya nagwala, 'diba? Sakto naman na bumukas ang pinto, dahan-dahan kong nilingon ito dahil masakit din ang u

