fall to mister haciendero

1268 Words
PROLOGUE Pano kung isang Araw bumaligtad ang mundong ginagalawan mo Kung dati ay puro building, ilaw ng mga sasakyan at maiingay na bar na halos gabi-gabi ay naroon ka. Usok nang sigarilyo ang maaamoy mo, ilaw na ikaduling mo sa pagkurap-kurap noon kasabay ng mga babaeng kulang nalang ay mag hubad sa kakasayaw sa dance floor. At mula sa mga nakasanayan mo ay Nagising ka na lamang na lahat ng iyan napalitan na pala nang malamig'at ,sariwang hangin..nag tataasang mga puno at bundok, mga hayop na ginagagmit sa bukid at ibon na maiingay at sariwang damo ang bubungad sa harapan mo. At ang masaklap pa kaylangan mong pa ibigin ang nag iisang tagapagmana nang mga VILLEGAS , ang nag iisang mortal na kaaway nang inyong pamilya at paiibigin mo upang makuha ang kayaman na dapat ay para sa inyo? kakayanin mo kayang sumugal kahit alam mong pag dating ng araw ay puso mo na pala ang magiging kapalit. " althea anak, magkakaroon kami ng business trip ng mommy mo sa Thailand, alam ko naman na wala kang hilig sa pag ta'travel so..hindi na kita kinuhanan pa ng ticket." saad ng daddy nya habang nasa hapag sila para sa almusal. "Uhhmm yes dad, it's fine with me." simpleng saad nya tsaka humigop ng tea. "are you sure honey?" tanong pa minsan ng Mommy nya. ngumiti lamang si althea tsaka tumango-tango. "balak kasi kitang pauwiin sa Tiya Sandra mo sa probinsya..napag alaman kasi namin ng daddy mo na Balak angkinin iyong hot spring ng mga villegas.....kung talagang wala kang balak na sumama." napalingon ang dalaga sa sinabing iyon ng ina. Tila hindi iyon magandang ideya para sa kanya. "But mom..wala po akong alam tungkot jan sa far- - -"akmang kokontrahin nya ngunit hindi nya natapos ang sasabihin nya nang magsalitang muli ang daddy nya. "Nag usap na kami ng Mommy mo about that, hindi kami mag e'enjoy ng mommy mo kung alam kong nandito ka at nag iisa gusto ko ding alamin mo pansamantala ang lagay ng Farm natin don lalo na at balak kong mag supply ng mga ubas sa mga wine company alam mo naman na wala tayong aasahan sa kuya mo." nag papaunawang saad ng daddy nya. "Tsaka para nadin magkita kayo, matagal nadin mula nung huli kayong nag kikita ...." saad pa ng ina Sa huli ay walang nagawa si Althea Hanggang kinabukasan ay bagsak padin ang balikat nya nang magtungo sa San Francisco kung saan lumaki ang kanyang ina. Malaking Arko ang kaagad na sumalubong sa kanya pag pasok nya palang sa baryo naka ukit doon ang mga katagang... 'MALIGANG PAGDATING SA SAN FRANCISCO' halos mapaismid sya, tila inaasar kasi sya ng salitang naroon, huminto na ang bus. "manong bakit po tayo huminto nasabukana palang po tayo ah?" takang saad ko sa driver. "dito kasi yung tamang babaan Hindi na kami makakapasok jan." paliwanag na ani manong Bumaba sya mula sa bus tsaka inalis ang sunglass na suot nya at namaywang pa sandali tsaka tinanaw ang napaka gandang pagputok ng bukang liwayway mula sa kalangitan. Ang asul na Kalangitan kapares ang yello orange na kulay sa langit ang bahagyang nag alis ng bigat na dala nya. Napangiti sya tsaka kinuha ang phone nya para kuhanan ang paglitaw ng napakagandang pag sikat ng araw na iyon. matapos ang matagal na pagkuha nya ng anggulo ay handa na sanang pindutin ang screen ngunit sakto naman na dumaan sa harapan nya ang lalake na nakapugong, takip ang mukha nito at tanging mata lamang ang nakalitaw sakay ng puting kabayo kaya't napa atras sya dahil sa gulat. "Huh?" hindi maipaliwanag ng dalaga kung ano ba ang reaksyong gagawin nya ngunit lamang ang galit sa kanya. Kagat labi nyang nilingon kung ano ba ang nakuhanan ng camera nya...at ito nga ay walang iba kundi iyong lalake. Masama ang loob nya ng nagmadili syang mag lakada halos lakada takbo na ang ginawa nya para habulin ang antipatikong lalake hindi alintana sakanya na may mga dala syang mga gamit basta mahabol lang ang lalakeng yun " "Hey stupid ugly man!" tawag nya ng matapatan ito sa kalsada, lahat na yata ng panlalait ay gusto nyang gawin dahil sa galit. Hindi sya pinansin ng lalake sa halip ay nagdiretso padin ito sa pangangabayo. "hindi mo ba'ko narinig!kamuntikan na'kong ma aksidente nyang kabayo mo tapos kahit kaunting sorry ay wala akong narinig!ang sama ng ugali mo." dire-diretsong galit na sigaw nya. siguro'y narindi na ang lalake kaya't hinila nya ang lubid ng kabayo para patigilin ito matapos ay tamad na naglingon sa dalaga na nang lait sa kanya. "Bakit?ang ugali mo ba ay maganda?"walang interes itong nakatanaw sa dalaga. "it was all your fault!kung hindi ka sana nagyayabang dyan sa kabayo mo! "sising aniya pa sa lalake ngunit hindi na sya sinagot nito at tinitigan lamang. " bakit hindi ka makasagot? Dahil hindi mo ko maintindihan!" may kahalong panglalait na aniya sa binata. "kung hindi sana humarang ang pangit mong mukha sa camera ko ay nakuhanan ko ang magandang Sunrise!" patungkol nito sa Araw. Bahagyang napangisi ang binata, " talagang mas pinili mong manlait ng kapwa mo dahil lang sa pag silay ng araw kahit bukas ay alam mong sisibol din naman." sarkastikong anito pa sa dalaga, dahilan ng pagkatigil ni Althea dahan dahan syang nag angat ng braso para alisin ang tela na nagkukubli sa mukha nya hanggang sa tuluyan nya na iyong maalis at bumungad ang mala perpektong mukha ng binata. "Sayang ang Taglay mong Ganda, ugaling basura." saad pa minsan ng binata tsaka iniwan ang dalaga na kukurap-kurap doon. napatigil lamang ang pag kurap niya ng makitang malayo na ang binata kaya nag pasiya siya na tawagan ang kuya nya para sundoin sya sa b****a ng San Francisco. pag kakuha nya sa phone nya ay dalicdali niyang dinayal ang number ng kuya niya ilang ring pa bago sagutin ang tawag ni althea "hello kuya" bungad niya sa kabilang linya. "oh hello, Thea?ano't napatawag ka?" anang kuya niya sa kabilang linya "sundoin mo naman ako dito sa b****a ng san francisco ." saad ko "ha! Anong ginagawa mo dyan? You mean uuwi ka?dito?...."hindi pa nga ito nakakasagot nang magsalita na naman sya. "wala ako sa bahay andito ako sa farm ngayun mamasahe ka nalang marami naman dumadaanang jan motor ang sabihin mo ihatid ka sa bahay ng Monte Carlos, hindi kasi kilala si Tiya sa pangalan nya." ani kuya na labis kong ikinainis. "hindi ko naman kilala yung mga dumadaan dito, pero sige na ngab! bye!" padarag kong pinatay ang linya. wala siyang nagawa kung hindi mag antay ng masasakyan marami ngang dumaraan ngunit hindi naman siya ng mga ito hinihintuan. Balak nya na sanang mag lakad kaysa mag hintay, nagulat nalang siya na may humintong trycicle sa tapat niya. "ineng sa montecarlos ba ang punta mo?" Saad ng may idad na lalake na syang driver. "opo" tipid na saad ko. "sumabay ka na sakin, doon din kasi ang punta ko siya nga pala ano mo ba si sandara?" wika ng matanda . Bahagyang nagulat si Thea Sa tanong nito. Umugong ang mahinang pagtawa nya. " naku pasensya ka na, hindi ko lang napigilan na matuwa ganyang-ganyan din kasi ang mukha ng nakakabata nyang kapatid nang kabataan nila." Si mommy kaya ang tinutukoy nya? "ah, ganun po ba..tiya ko po." nakangiting saad ko. May pailan-ilan pa itong sinasabi ngunit hindi na lamang sya pinansin ng dalaga. Nang uminto ang trycicle narito na kami sa malaking maroon na gate. "Maraming salamat po." huling aniya, akmang magbabayad sya ngunit nginitian lamang sya ng matanda tsaka umalis kaya't nag kibit balikat na lamang si Thea.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD