CHAPTER 49 THE BILLIONAIRE'S KIDNAPPER Gabi nang nakauwi ang mga kaibigan namin. Next visit ay kasama na nila ang kanilang mga asawa na ikinatuwa ko dahil sa wakas makikita ko na rin ang mga asawa nila na matagal ko na rin na gustong makita. “Nag-enjoy ba ang mga bisita niyo mga apo? Balita ko naubos ang dalawang lechon na pinabili ko, sana nagsabi pa kayo para maka-order.” Biglang nalukot ang mukha ni Zane na nasa tabi ko lang nakaupo kami pareho sa couch sa sala at nakayakap ang braso niya sa katawan ko. "He was mad Lola kasi ang tatakaw daw ng mga kaibigan namin eh isa naman siya sa matakaw.” Pang-aasar ko kay Zane. "Babe-" bulong niya. “Ano? Totoo kaya lalo kapag tayo lang kumakain.” “Ganoon ba? Ang ganda siguro nila panoorin habang nag-aagawan. I'd make sure na masarap ang ino

