Work of Art

2060 Words
"Work of Art" ALAS singko ng umaga nang matapos ako sa pagsusulat ng bagong kabanata. Aksidenteng napatingin ako sa vibrator na nakapatong sa ibabaw ng desk ko. Marahas at halos mawindang ang basurahan nang tinapon ko sa loob ang pahamak na vibrator ngunit muli ko din iyong pinulot saka muling pinatong sa ibabaw ng desk. Hindi naman sa nanghihinayang ako, basta... At wala akong planong magsarili and I can't afford to do that! It is just... this thing was the reason why somebody talk to me, that's it! Binuksan ko ang phone, tatawagan ko si Julie. Saglit ay sinagot na nito ang tawag ko. Naka off cam nga lang. "Yes?" turan ni Julie sa kabilang linya na animo'y nakakasagabal pa ako. Tang inang babae. "Tinapos na ni Josh ang communication namin!" bukas ko agad ng paksa. "Eh ano naman ngayon, di-naman kayo nagkikita nun," walang prenong saad ng lintik kong kaibigan. Nahihimigan ko pang ang mahinang ngisi nito. "Oo di-nga, pero siya iyong tanging pag-asa para matapos na ang problema ko." Narinig kong mas lumakas pa ang tawa ng kaibigan ko sa kabilang linya. "Ano ka ba, you're not too old it can wait, at saka asan na ba iyong pinapadala ko sa iyo ha?" tumatawa parin ito. "Tawang-tawa ang puta!" Napa-irap akong napasulyap sa bagay sa ibabaw ng desk ko. Idiot! woman. walang ibang ginawa kundi magbiro. "Siguro tanggapin ko nalang ang kapalaran ko na mamatay nalang na birhen," nangusong nagmamaktol na tamayo ako mula sa pagkaka-upo sa swivel chair. Nagtungo ako sa kusina upang magtimpla ng kape. Dinig kong parang kiniliti na naman si Julie sa kabilang linya. "Akala mo naman ki-laki laki ng problema mo, kung makapagsalaysay ka akala mo'y magugunaw na ng mundo." Oo hindi talaga malaki kung para dito. Julie's married to a foreigner hindi nga lang nagtagal at naghiwalay din. May anak itong isa na iniwan nito sa magulang upang makapagtrabaho ito sa abroad. "Naku h'wag mo ngang problemahin iyan, dadating din iyan paghindi mo iniisip." Napabuntong hininga ako, naisipan kong gumawi sa balcony at doon magkakape. Dala ang isang libro at ang tasa ng kape ay nagtuloy-tuloy akong binuksan ang sliding door. "Ewan, ko lang talaga, should I convert myself into extrovert?" saad ko na nilapag ang dala kong kape at libro na sipit-sipit ko sa kili-kili sa ibabaw ng maliit na mesa sa balcony. "Mari, nahihibang ka ba? Sa ganyang dahilan babaguhin mo ang sarili mo? Sa pagkakakilala ko sa iyo ang talino mo, ba't ngayon naging tanga ka na ata?" "Julie ha, nakakasakit ka ng damdamin!" "Sira kaba? Bakit mo baguhin ang sarili mo? that's non sense reason!" "Eh I am now desperate— "Sira ka talaga! I am sure may lalaking tanggap at tatanggapin ka, nasa tabi-tabi nakaabang lang, hindi nga lang napa-aga ang dating, but girl patience is the key!" sumbat ni Julie. "Kaya siguro hindi natuloy ang Josh na 'yon dahil hook-up lang ang gusto mo!" Napabuntong hininga ako, tama din naman ang kaibigan ko, hook-up lang naman ako gusto ko. Wala akong planong pumasok sa relasyon, hindi ako komportable. "O siya, paalam at malalate na ako sa trabaho. Teka nabili ko na pala ang bago mong libro. Super hype sherreeppp," may pa-ungol pang sabi ni Julie saka in-off. Padabog kong nilapag ang cellphone sa mesa. Tinuon ko ang paningin sa kabilang ibayo kung saan papasikat na ang araw. Humigop ako ng mainit na kape sabay bukas ng libro. Napahinto ako, sayang ang ganda ng umaga kaya agad kong kinuhanan ng larawan ang kawalan, tapos ang coffee at ang libro ko para pang instragram post ko. Wala akong pinopost sa social media na may mukha ko, kadalasan pawang libro, mga bagay bagay lang. Kahit na ganun marami parin ang nakafollow sa akin. And I am grateful. Agad kong nilagyan ng caption. hashtag '#goodmorningsinag #phantom #book #OwningMr.Deliquent' and posted. Umayos na ako ng upo saka sinimulang buklatin ang libro 'Owninf Mr. Deliquent' by Phantom. Ang libro na binili ko noong naaksidente ako. It was a romance book, a young adult genre. The book is about a delinquent boy who fell in love with a gloomy lady on a school campus. Pang-ilang ulit ko nang binasa to' the book is very inspiring on how the character overcome their flaws and end up together. The author Phantom did a great job, kaya ito ang isa sa paborito kong author sa Y/A fiction. Napansin ko ang sunod-sunod na tunog ng notifications ng phone ko. Maraming ang nag like sa post ko mahigit 1k na at may mga comments din sa baba. *Hi my favorite Author ang aga ng coffee natin. *Hi Author, good morning po. *Omg, author, do you like author Phantom too? Nakangiting muli kong hinigop ang kape sabay sumulyap sa papasikat na araw. Lihim akong napasinghap. I mesmerized with the view. Very nostalgic moment, being alone... watching the glimpse of the sunrise while sipping my coffee, perfe— "Good morning, Mari?" Biglang bungad ni Ernist sa kabilang ibayo. Halos maibuga ko ang mainit na coffee. Gulat na napalingon ako sa aking kaliwang direksyon. There, I found the man accross. Gaya ko ay nangangape sa balcony na may hawak na libro sa palad. At gaya ko, he wearing glasses, pero teka why he looks good in that fvcking glasses? Ang unfair lang no? He wears it as if it is one of a popular fashion sense pero sa'kin mukha akong nerd na maniac. He is wearing a dark olive green shade t-shirt and white shorts, it was very simple yet it was really good on him. Habang nilakbay ko ang titig sa kabuuan nito, kagimbal gimbal na tumama ang paningin ko sa hawak nito. It was my newly published book titled 'My Boss is a Maniac' by MMM. stands for Malibog at Maharot na Manunulat. Paanong nagbabasa ito ng erotic book? The design is very maniac. OMG, kung pwede magpatiwakal, ngayon mismo ay ginawa ko na. Hindi maipinta ang mukha ko dahil sa tinding hiya. Bagaman dali akong umayos ng upo nang mapagtanto kong dapat wala naman akong dapat ikahiya Bakit naman ako mahihiya hindi naman nito alam na ako ang may akda ng libro, si Julie lang ang may nakakaalam sa pin name ko, pati nga pamilya ko ay walang may alam. "H-Hi good morning," balik na bati kong nabubulol na parang tanga. Isang pekeng ngiti ang pinakawala ko pagkatapos. He was about 5 meters away from my balcony. Kailangan lakasan medyo ang boses para magkarinigan kami. Sinuyod nito ang kabuuan ko sa di-kalayuan. Hindi ko alam pero nako-conscious ako sa aking hitsura. I am just wearing a tank top and short nighties, sabog pa ang buhok. Sobrang dugyot lang naman kumpara dito na sobrang presko sa umaga. "What a beautiful morning, isn't it, Mari?" sabi nitong may kalakasan ngumiti ito bago sinulyapan ang kalangitan na namumula-mula dahil sa papasikat na araw. "Yeah, it is." tipid kong sagot sabay na yumuko at muling tinuon ang paningin sa librong hawak kahit naba wala doon ang aking isip. Parang tanga as always. Akala ko ba mag-isa lang ako, hindi ko akalain may companion pala ako sa umagang ito. "So, do you like to read huh?" "Kinda." "Why don't you try to read this book," buong pagmamalaking saad nitong sinara ang librong hawak saka hinarap sa akin ang pabalat pati na ang akda. "I-I am sorry I got one of that but I am not into that kind of genre— Hindi ko natuloy ang sasabihin nang tumayo ito at lumapit sa gawi kung saan ang balcony ko, hanggang beywang lang ang bakud, isang maling kilos siguradong basag ang bungo nasa 18th floor kasi kami. "Yes, iba iba naman talaga tayo ng perspective—maybe this book is erotic but still this is a work of art, Mari. You should at least read one." Napatahimik ako sa sinabi nito. He appreciates my work. My heart flutters upon hearing it. "The writer of this story MMM—I like her or him?" patuloy nito na halatang hindi alam ang kasarian ng akda. "—for her works, this is not really about how erotic the story maybe… but it gives so many lessons throughout the whole series, and there is something in this author who captured my attention,” patuloy nitong nilahad parin sa gawi ko ang libro. Nagulat ako't biglang kinabahan, na hindi naman dapat. I can accept criticism but from the man in front of me, I don't know what should I feel. "About what?" out of curiosity I asked him. "She's innocent, I am sure of it!" his hazel brown eyes were full of certainty. "How do you say so?" out of nowhere I asked him again. "Well, some writers tend to write a story which is beyond their reach, like fantasies and so on, there are some writers who write through their experiences, and some... write through their curiosity. This MMM is a perfect example of an author who writes through curiosity." "How can you be so sure?" "She writes perfectly, very polished na ma papa-isip ka did he or she experience it?" Nasamid ako sa pahayag nito, yes. I write my story out of curiousity. He is right. "But above all, I like every book she or he released. I have a complete series of it." "So, you're a fan huh?" "Yes, absolutely. How about you? Do you really like that book?" tanong nito na sinulyapan ang hawak kong libro na sulat ni Phantom. "Yes, I do. I love every book she published and I have collection of her crafts in my shelf," halos luluwa ang mata ko sa sobrang paghanga at pagmamalaki. Di-masyadong halata na avid fan ang shunga. Hindi ko namamalayan at naging madaldal ako. Hindi ko malaman pero pakiramdam ko naging komportable na ako sa presensiya nito, naging komportable ako sa pakikipag-usap dito. Siguro dahil may kapareho kaming hilig, iyon ay ang pagbabasa. "You really like her, huh," mahinang usal ni Ernist na hindi ko masyadong narinig. "Ano 'yon?" tanong ko dahil medyo nadala ako sa emosiyon "How did you know she is a woman?" ang tinutukoy nito ay ang akda ng paboritong kong aklat. Author Phantom is also not her real name and it's just her pin name. Walang may alam kung sino ito. Gaya ni MMM ay nanatiling mesteryo ang katauhan nito sa mga mambabasa. "Sa mga fans, lang din. Minsan nababasa ko sa mga blogpost na babae siya, finafollow ko nga mga social media accounts niya." Napatango-tango ito, pero nanatili ang mga ngiti nito sa labi. "Sabi nila mga nasa singkwenta na daw si Phantom, kaya mas lalo akong humanga. Kaya nga ang galing niyang magconstruct ng story," nawala na ako't todo kwento ko na. Naging madaldal na ang tanga besh! Sobrang daldal na wala nang mapaglagyan ang kadaldalan. "Kaya magaling siya magconstruct ng story dahil matanda na siya ganun?" "Oo, through experiences din naman diba?" "Siguro nga, pero magaling din naman si MMM ah," pagmamalaki nito sa hinahangaang manunulat. Ibig din magsaya ang puso ko sa narinig dito. Unang beses kasing may malapitang pumuri sa sining na gawa ko. Napakasarap pakinggan. Kaya tumango at sumang-ayon ako sa pahayag ni Enrnist na may ngiti sa labi. Hindi namin namalayan ang oras at tumirik na ang araw dahil kwento ng kwento kami patungkol sa mga libro na aming nabasa. Hanggang sa naikwento ko dito ang personality ko na introvert. Dahil nga sa sobrang komportable ko na. Gusto kong tahiin ang bibig ko't wala na akong preno at pati personal nakwento ko na. "There's nothing wrong with an introvert, Mari. As long as the people hanging around you truly understand you," si Ernist na titig na titig sa akin mula sa kabilang ibayo. "Remember this... no matter who you are and what you are someone is meant to understand your personality... and I understand you as well, Mari" "Ernist," sambit ko sa pangalan nito sa unang pagkakataon. Am I ready to open the door for him to enter into my comfort zone? As time goes by I am getting comfortable with his presence. I now want to listen to his voice. I am now eager to spend time with him without getting exhausted, without draining my energy and all. Habang tumatagal na magka-usap kami dun ko din napansin ang hindi ko pinipigilang mga ngiti at tawa. I laugh to the extent of my heart. SherylS|SBS
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD