Things have been somewhat... weird, uncomfortable, hindi ko alam kung paano ko iyon idedefine, sa totoo lang. Pero netong mga nakaraang araw ay medyo intense ang mga araw, at medyo lumalayo ako kay Kate dahil sa kanyang mga aksyon. Hindi madaling kalimutan ang nangyari, although sa tingin niya ay ganoon. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya, lahat dahil sa tingin niya ay tama, na okay lang noong malinaw kong sinabi sa kanya na hindi, na ayaw kong magpadala siya ng sinumang idiot on my way. Pero ano ang ginawa niya? Kabaligtaran. Hindi ba niya maintindihan ang simpleng "hindi" para sa sagot? Hindi, hindi niya ito maintindihan dahil sa buhay niya, hindi pa siya nasabihan ng hindi. Spoiled girl siya na nasa kanya ang lahat, at bagama't hindi niya iyon kasalanan, dahil kasalanan din

