Lahat daw ng nangyayari sa buhay mo may dahilan. Lahat daw 'yon may karampatang rason kung bakit binibigay ng diyos sa atin. Pero minsan hindi mo maiwasang mapatanong kung bakit ikaw? Kung bakit sa dami ng tao sa mundo sayo nangyayari ito. Napatingin ako sa mga batang naghahagikhikan mula sa di kalayuan. Sobrang saya nila habang naghahabolan na parang walang kapaguran. Kung hindi ka nawala baka ngayon hinahabol-habol na rin kita ng ganyan. Mapait akong napangiti sa isiping 'yon. Pero ganoon talaga siguro may mga bagay na nilalaan para sa atin ang diyos. Meron ding pinaramdam niya lang pero hindi talaga para sayo, gaya ng batang dinala ko ng ilang buwan. Binigyan niya ako ng chance na maramdaman ko kung gaano kasaya ang maging ina. Hindi man iyon ganoon katagal but he still gave me th

