Nagluluto ako ng lunch namin ni Sandro... oo ako ang nagluto ng kakainin namin ngayon. Marunong naman ako eh, ayaw sana ako payagan ng mga kasambahay kaso syempre mapilit ako.
Nagtaka pa nga sila dahil first time kong lumabas ng kwarto namin na hindi pa naliligo --as in yung bagong gising effect talaga ang itsura. Lalo pa at ang suot suot kong damit ay ang white polo shirt ni Sandro, kaya ang sexy ko talaga tignan... just kidding!
So ito na nga, ako din ang naghahain ng pagkain namin habang nakamasid lang ang mga kasambahay namin. Dahil ang sabi ko, hayaan na nila akong pagsilbihan ko naman ang asawa ko, diba. Speaking of him, hindi pa ito bumababa... siguro ay tulog na tulog pa ito --oh well, ikaw ba naman diba? buong magdamag na kumayod, ewan ko lang kung hindi ka mapagod. Ako nga eh, ramdam ko ang soreness sa ibabang parte ng aking katawan... kaso pinilit ko lang bumangon kaagad para maipagluto sya ng paborito nyang ulam --adobo.
"Señorito!" pagtawag ng mga kasambahay kaya napalingon naman ako kaagad sa direksyon ng taong tinawag nila. And I saw a handsome prince walking confidently towards my direction with just his simple outfit --white shirt and pajama.
He smiled and hugged me... so tight na parang akala nya ay nawala na ako sa piling nya.
"I thought... you left me! When I suddenly woke up without you by my side. Dont you ever do it again, Dominica... I hate it --I hate the feeling of fear of losing you." Niyakap nya pa ako lalo pagkatapos nyang sambitin iyon. At nakita ko naman ang kilig sa mga mukha ng mga kasambahay habang nakatanaw sa pagkakayakap sa akin ni Sandro. Kaya di ko rin maiwasang kiligin syempre at niyakap ko din sya pabalik.
"Dont worry... it will never happen, Sandro. I am just always here for you," sambit ko at niyaya na syang kumain dahil lumalamig na ang pagkain namin.
********************************
After naming kumain ay umakyat na kami pabalik ng aming kwarto. Dahil sabi nya maliligo daw kami at may pupuntahan kami --in short, mamamasyal kami for the first time in forever. Kaya sobrang saya ko ng sabihin nya iyon kanina dahil sa loob ng halos isang taon ngayon lang ako makakaapak sa labas ng Mansion namin at to think na siya pa ang aking kasama, ang saya lang!
"Sabay na tayo, baby..." aniya ng papasok na ako ng banyo para maligo. Hay nako! I know him, kapag sabay na naman kami ay paniguradong ang 30mins ay magiging dalawang oras no. Kaya umiling lang ako bilang pagtugon.
"No, Sandro! Ayoko, mas lalo lang tayong matatagalan kapag sumabay ka pa sa akin." At pumasok na nga ako sa banyo at inilock ito.
Napatingin naman ako sa repleksyon ko sa four mirrored wall ng banyo. Nakita ko ang mga iniwang kiss marks ni Sandro sa bawat parte ng aking katawan. Grabe! Halimaw talaga yon sa kama pero ayos lang hangga't ako lang ang kanyang bibiktimahin.
Mga tatlong pong minuto lang ang aking itinagal sa loob ng banyo at lumabas na ako, patungo na ako sa walk in closet para magbihis nang marinig ko si Sandro na may kausap sa kanyang cellphone nasa may veranda ito ng aming silid kaya di nya ako pansin. Hindi ko sana ito iintindihin dahil baka tungkol lang sa kaniyang negosyo ang pinaguusapan nila.
Patalikod na sana ako patungong walk-in closet nang marinig ko na sambitin nya ang aking pangalan.
"Malapit na... malalaman ko din kong nasaan ang golden book na nasa kamay ni Dominica. No! wala pa... hindi pa nanunumbalik ang kanyang alaala. Pero sa tingin ko ay malapit na, kaya hindi sya pwedeng mawala sa tabi ko... Oo, I will stay with her until tomorrow at babalik na ako dyan. We only have a week before the presidential election and hindi pa natin nailalabas si Sen. Falcon sa presento, that's why we need to find the last piece of the puzzle para maituro si Fontanilla bilang mastermind ng lahat ng ito. ---What? patay na rin si Doc. Dereva? Diba isa sya sa tatakbong presidente. Damn it! Sino na lang ang natitirang kalaban ni Fontanilla? --okay, atleast meron pa syang dalawang kakompetensya sa posisyon... bantayan nyo ang dalawang iyon baka gumalaw na naman ang hayop. Okay sige, kayo na muna ang bahala dyan... I just need to be with my wife."
Parang bigla naman akong nahilo sa pakikinig kay Sandro habang may kausap ito sa kanyang cellphone... ang daming terminolohiya syang binanggit na sobrang pamilyar sa akin...
Golden book... Fontanilla...
and Sen. Falcon...
"Sen. Falcon..." banggit ko sa isang pangalang sobrang pamilyar sa akin... para namang mabibiyak ang ulo ko habang pinipilit kong maalaala kung sino ang taong iyon... damn it!
Napaupo na lang ako sa kama dahil sa sobrang sakit na namamayani sa aking ulo.
"Hey! Dominica... are you alright, baby? What happened?" Paglapit kaagad ni Sandro sa aking gawi. Kaya napatingin ako sa kanya at umiling.
"No--nothing... biglang sumakit lang ang ulo ko. But I am now fine," sambit ko rito at ngumiti.
No! hindi maaaring malaman ni Sandro na narinig ko syang may kausap, paniguradong magagalit ito sa akin... lalo na at sa tingin ko ay may kinalaman ito sa nawawala kong mga alaala.
*******************************
We are happily walking down the streets of Switzerland, feeling the cold breeze of the wind that touching our skins.
At napatingin ako sa magkahawak na kamay namin, and then sa mukha niya... napansin nya ata ang pagkakatingin ko sa kanya kaya napatingin rin ito sa akin,
"What? Are you cold, baby? Or are you hungry? Gusto mo bang kumain na tayo?" Ngumiti lang ako at umiling.
"No... I am just happy kasi kasama kita ngayon at nagde-date tayo for the first time. Thankyou for letting me feel this kilig moments in my life." Hinalikan nya lang ako sa aking noo at niyakap ng mahigpit.
"Dominica... Falcon?" Napalingon ako sa isang tinig na nagsambit ng aking pangalan. At kahit si Sandro ay napatingin rin dito sa isang babae na hindi ko kilala pero mukhang kilala ako.
"Yes... Miss? My name is Dominica... but I am not a Falcon," tugon ko lamang dahil di ko naman sya talaga kilala. At lalong hindi Falcon ang apelido ko... it's Estevan. Baka nagkamali lang ang babaeng ito. Pero mukhang narinig ko na ang apelidong Falcon... san ko nga ba na-encounter yun, hays.
"What the? What's with you, girl! And I thought... you are already dead? And who is this handsome --" sambit nito at hindi ko gusto ang tono ng pananalita niya at ang aura na pino-possess ng babaeng ito. At ayoko din ang paraan ng pagkakatitig nya sa asawa ko, kaya napakapit ako sa braso ni Sandro.
"OMG! Are you Alesandro Estevan, right? The famous bachelor in town! Can I take a picture with you?" tanong nito na ikinakunot ng aking noo at napatingin kay Sandro na nakasimangot na, at napansin nya yatang nakatingin ako sa kanya ng masama kaya napakibit balikat lang ito.
Walang kumikibo sa aming dalawa, not until the annoying lady said something na nagpakuha ng atensyon ko sa kanya.
"Are you two together?" sambit nito.
"Can't you see? And who the hell are you, woman! Why do you know me and... my husband!" sambit ko na nagpalaki ng mata ng babaeng kilala ako at si Sandro, dahil ata sa gulat.
"OMG! Hindi mo na ako kilala, Dominica? Pagkatapos mong sirain ang dignidad ko nung elementary days natin! Damn you! And what the? Asawa mo ang isang Alesandro Estevan? How come? And also... why are you still alive? I thought you are already dead. Nagpa-party pa naman ako nong malaman kong patay ka na..." litanya ng kung sinong hunyangong ito sa akin at gulat na gulat pa talaga sya ng malamang asawa ko si Sandro. Pero mas nagtaka ako sa sinabi nitong akala nya ay patay na ako.
"What do you mean? Sino ka ba talaga?" tanong ko ulit sa babae, I need to know who she is.
"My goodness! What's your problem, Nica? Ako ito si Grace.. Grace Fontanilla, May amnesia ka ba---" malditang sambit nito pero hindi nya naituloy ang kanyang sasabihin nang magslita si Sandro.
"Enough! Let's go, Dominica... and please leave us alone, lady!" iritableng pagsambit ni Sandro na ipinagtataka ko. Pero ayoko pang umalis, ayaw kong talikuran ang nag-iisang taong nakakakilala sa akin at maaaring makapagpabalik ng mga alaala ko, kahit nakakabwesit man ang aura na tinataglay nito. Actually her irritating aura is very familiar to me, kaso di ko lang maalala kung anong parte ng nakaraan ko sya nabibilang. Pero sabi nya kanina, elementary days... So kilala nya na ako since then.
"Wait! I need to talk to her, Sandro! She knows me! She knows something about my past! I need to talk to her... please let me... go!" pagsusumamo ko sa asawa ko pero hindi nya ako hinayaang mapalapit sa babae.
"Enough, Dominica... it will not do good for you. Let's go home!"
And after that... doon ko lang napagtanto, Sandro wants me to remember something but not all my memories.