Akala ko totoo ang kasabihan na kapag maganda ang gising mo sa umaga, buong araw na maganda. Just woke up with the announcement of no classes, so I'm really, really happy. But, right now, ang layo-layo sa kasabihang iyon ang nangyayari sa akin ngayon.
We were having breakfast, at habang ngumunguya, I looked at my parents as if they didn’t tell me where the heck they had been, akala mo walang iniwanan. I sighed. My bad, umaarte nanaman ako na parang seven years old ulit.
I glanced at Elias, who was just eating happily and sometimes talking to my dad as if walang ginawang party kagabi. Sabagay, isang dugo naman ang dumadaloy sa kanila. Parehas, akala mo walang ginawang kasalanan.
After eating, tutulong sana ako sa pag-aayos ng lamesa o di kaya ay maghugas, when the maids stopped me. I just pouted and let them. Nakasanayan ko na kasi.
I froze when I saw Elias looking at me with a smirk on his face. I just smiled, a genuine smile, just like an actress, and nagmamadaling umakyat sa hagdan papunta sa kwarto ko.
Ilang linggo pa lang akong nandito, stress na agad ang yumakap sa akin. Naiinis kong kinuha ang cellphone ko at tinext si Mama na kapag hindi na siya busy, puntahan niya ko. I really need to tell them about what happened last night. Hindi pwedeng hindi nila malaman kagabi.
Habang inaantay si Mama, nagbasa-basa muna ako ng notes ko.
“What is it?” Inangat ko ang tingin ko kay Mama na kakapasok lang ng kwarto ko at sinarado ang pinto.
“I have something to tell you,” I said in a serious voice na ikinataas ng kilay ng nanay ko. Naupo siya sa tabi ko at tinignan ako ng seryoso.
“You left me last night,” I pouted, at tumawa lang siya.
“It’s a sudden invitation from your father’s friend na kumain sa labas. Ang akala namin tulog ka na. Don’t worry, wala pa namang nabubuo.” Nanlaki ang mata ko sa huling sinabi ni Mama at kinurot ko siya sa tiyan niya na ikinatawa niya ng malakas.
“So what is it? Ang seryoso mo naman, hindi bagay.”
I suddenly felt nervous. Knowing Mama, never niya akong hindi kinampihan. She’s always at my side, whatever happens. Parang besties kami, kaso kasi. This situation is different. Elias is my father’s brother.
And what if dahil sa attitude ko, mapalayas siya? What if kaya pala andito siya kasi wala siyang ibang matirahan, and Dad is just being a nice brother kaya dito pinatira? Pero kasi, if you’re going to live with someone, know your boundaries, your limits. Hindi yung magpaparty-party kasi wala yung may-ari ng bahay. Or what if… pinapayagan siya ni Dad basta kapag wala sila Dad, doon siya magpaparty?
Urrr. Nakakainis naman. Akala ko hindi ako mai-stress sa pagsusumbong, hindi naman stress, more on guilt siguro? Pero nothing will happen kung wala akong masabi kay Mama.
“Amm, this should be a secret for us.” Nagtataka man ang itsura, pero tumango si Mama nang walang tanong.
Great, I hope it delivers well.
“Last night kasi, I was supposed to review on my iPad when I remembered it's in El—Uncle Elias' car… so, I looked for him… I was shocked at first when I noticed the house was quite dark.” Umirap ako kaya tumawa si Mama na mukhang naintindihan ang sinasabi ko, tungkol sa biglang paglayas nila ni Dad.
“While looking for him, I suddenly heard loud music… like a party, and then… I slowly went to the swimming pool area kasi doon nanggagaling yung music… Amm, I saw Uncle Elias having a party with his friends, I guess.”
Kinakabahan akong nag-angat ng tingin kay Mama. At last, nasabi ko na rin. OA pero hindi ko alam kung ano ang magiging outcome ng sumbong na ito. Basta, I’m just being a good child. Wala namang sanang problema sa partying, as long as my parents are aware, kaso hindi! So it’s not my fault.
Tumango si Mama sa sinabi ko. Hinawakan niya ang pisngi ko at ngumiti, so… I’m safe?
“Don’t stress yourself. Are you uncomfortable with your Uncle living with us? If yes, just tell me. Your feelings are what matter most.” Napaisip ako sa sinabi ni Mama, am I?
Honestly, hindi naman, basta we're not on the same way. Kasi hindi ko maiwasan na hindi mainis, at baka pag nangyari yun, mawala ang respeto ko sa kanya. Our ages are close, pero kahit baliktarin pa ang mundo, he is still my uncle. “I’ll tell you, don’t worry.”
Ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. “Your comfort is our top priority.”
“I know, Ma. I love you.”
“I love you too.”
Hours passed, I just spent it here in my room. Gusto ko sana makipag-bonding kina Mama at Dad, pero may guest sila at narito sila sa meeting room malapit sa office ni Dad. Mamaya na lang ako mag-crave ng attention since it’s business. I don’t mind, kasi pera yan e. Kailangan yan sa pang-araw-araw, since marami na naman kaming bibilin sa class this week.
“Busy are we?” nagulat ako nang may nagsalita. Tumingin ako sa pinto at nandoon ang aking Uncle, na nakangiti.
I put my iPad on my pillow and looked at him. Ano na naman ang kailangan ng isang ito?
“What is it?”
He walks towards me and just lets the door open. Naupo siya sa dulo ng kama ko. “I’m sorry about the party.” Tinaasan ko siya ng kilay at ganun din ang ginawa niya.
“Excuse me?” umirap siya na para bang konting-konti nalang babatuhin na niya ako ng unan.
“I’m sorry if Michael, my friend, made you uncomfortable last night.” Tamad niyang sabi.
“So you’re saying sorry just because of that? Not because you're doing s**t behind my parents' backs?”
Oh boy, calm down, Jade. Wala kang dapat ikainis, mas matanda sayo yan. Ikaw na lang ang umintindi.
“s**t, what?” napatayo siya sa sinabi ko.
“I don’t need to repeat myself.”
He handsomely chuckled at what I said, great. Tinignan niya ako na parang nakakatawa ang sinabi ko.
“Look, I want us to be on good terms. So if kinakaiyak ng butchi mo yung pag-party ko kagabi, just let it be. Wala naman akong ginagawang masama sayo, diba?” seryosong sabi niya.
“I know, and I’m not a brat na dahil lang dun, naiinis ako. Ang sa akin lang, you shouldn’t do that behind my parents' backs. Alam ba nila na nagpaparty ka? If yes, that’s good. I just want them to be aware.” I stop myself kasi baka makasabi pa ako ng ibang salita na magmukhang offensive.
That’s all I wanted. He is the brother of my father, he has rights naman. Pero partying without my parents’ consent? That’s too rude for me. Hello, ang pangit kaya. What if bigla akong pasukin sa kwarto ko ng di niya alam kasi he's busy wondering about his woman’s p***y?
Bumuntong-hininga naman siya sa sinabi ko. I hope he understands. Kasi hindi naman to big deal kung hindi na siya mag-iinarte at maintindihan ang point ko. No need to argue that much, as long as magkakaintindihan, tapos.
“Okay, okay. I get your point, princess.” Umirap muna siya bago magsalita ulit. “I understand where you’re coming from. Basta, don’t stress yourself. Biggest tip from me.” Ngumiti siya ng pilit at tumalikod, nagsimula nang maglakad palabas pero binato ko siya ng unan.
“Biggest tip, my ass. You don’t tell that to me kasi kapag hindi pala aware ang parents ko, tapos what if pasukin ako ng mga lalakeng kaibigan mo sa kwarto ko and you're not aware because you’re busy with your woman’s p***y?” Inis na singhal ko sa kanya.
Damn this man, sa simpleng ganito lumalaki. I’m not immature pero feeling ko magiging immature na dahil sa maliit na bagay nakikipagtalo na ako.
“I’m not a lil boy that lets someone enter your room without me noticing. I hope you get it.” Bigla akong kinilabutan sa sobrang seryoso ng boses niya.
Hindi ko na siya napigilan hanggang sa makaalis siya.
Hmm, make sure.