Chapter Seventeen "Ano ba talang nangyari Chastine Mae?" Paulit-ulit na tanong sa kanya ng kanyang tiya Bebang. "Sino ang ama ng dinadala mo?" Paulit-ulit lang din ang pagwalang imik niya. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang kwento. Kababalik niya lang. Kalahating araw na silang nag-iiyakan na magtiyahin pero wala naman itong mahita sa kanya. Puro lang ito ang nagsasalaysay. Ang masakit pa ay si Paolo ang laging paksa ng mga istorya nito. Kung paano ito tinulungan ni Paolo, kung gaano kabait si Paolo. Lagi nalang si Paolo. Bawat Paolo ay katumbas ng isang punyal na tumatarak sa kanyang dibdib. Buhay pa siya'y pinapatay na siya ng pangalan ng lalaking pinakamamahal. Sabay silang napatayo ng tiyahin ng padabog na bumukas ang pinto. Hindi nila iyon nakandado. Si Paolo mismo n

