MAGANDANG BUHAY today is another day.Panibagong umaga,panibagong simula na naman nilang mag tiyahin sa pagbubukas ng tindahan nila.Kahit hindi kalakihan ang tindahan ng tiyang Esme niya ay sapat naman para may pagkakitaan sila at may maipangtustos sa pang araw araw nilang gastusin.
Balang araw matutupad din niya ang pangarap na mabigyan ng mas malaki pang tindahan ng mga damit,shoes,tsinelas at kung ano-ano pa ang tiyahin niyang nagtaguyod sa kanya.Sa ngayon tiyaga lang muna sabi nga nila 'Pag may tiyaga,may nilaga.Pag may tinago,may madudukot sa oras ng pangangailangan.'
Paluwas siya ngayon ng maynila para mamili sa divisoria ng ibang paninda nila.Mas mura kasi ang bilihin doon pag pakyawan at bulto-bulto kung baga pag maramihan ang pagbili mas nakakatipid pa at minus.Kaya naman chinat niya ang kaibigan para sabihin luluwas siya pa maynila at syempre para magpasama na din doon.
Sabrina:Pam paluwas ako bukas ng maynila sunduin mo ako sa bus terminal.
Chat niya sa kaibigan na agad naman nitong na seen.Alas-singko na ng hapon araw ng sabado nasa tindahan pa sila ng tiyang niya.Mga alas-otso o alas-nueve pa naman sila magsasarado o kaya naman alas-dyes na depende na lang din kung maaga o hindi sila magsasara ng tindahan.
Bestfrend Pam:Okay kailan ang luwas mo?
Sabrina:Bukas ng maaga.Madaling araw ako aalis para maaga din makarating diyan iwas traffic na din.
Bestfrend Pam:Sige chat kana lang pag nasa byahe kana.Magdala ka ng damit na pamalit mag overnight ka dito sa condo gagala muna tayo sa BGC.
Sabrina:Ay sige sabihin ko kay tiyang para naman masamahan siya ni Mang Berto dito sa bahay.Gusto ko yan basta libre mo ako ha.Hahaha
Bestfrend Pam:Ano pa nga ba sure since ako naman ang nag-aya libre kita.Ikaw talaga lagi mo na lang niloloko si tiyang Esme kay Mang Berto,pag iyan talaga nagkamabutihan itsapwera kana dyan.Hahaha
Sabrina:Luh iyon nga ang nais ko ee ang magkalablyf na si Tiyang sayang ang lagusan pag hindi man lang napasukan nilulumot na..ahahaha.May asim pa naman si tiyang kaya kayang kaya pa nun!At tska forty pa lang si tiyang at si Mang Berto naman forty five lang at malakas pa ang pangangatawan kaya kayang kaya pa din nun bumira.Hahaha..Malay mo makabuo pa sila oh diba instant magkakapinsan pa ako!.
Bestfrend Pam:Sari sari ka na talaga Sabrina,yan bunganga at pagka dumi ng utak mo malumot na talaga.Tsk tsk!
Sabrina:Hahaha..asus maghanap kana din kasi ng majojowa mo.Hanapan kita siguro naman naka move-on kana doon sa manloloko mong ex.Ang hinayupak na yon niloko ka porke't may itsura ang lakas ng loob ng gago.Naku pag nakita ko talaga yan ex mo Pam pipitikin ko sa itlog at pipisain ang alaga!.
Bestfrend Pam:Bruha ka naka move-on na ako sa gagong yun nuh!Kapalmuks siya nakuha pang lokohin ako.Tsk,at paano mo naman ako hahanapan aber?Eh ikaw nga dyan walang jowa din?Tssss..
Sabrina:Luh bat nadamay ang pagiging wala kong jowa?Wala pang magkamali sa akin Acckla ayaw nila sa isang dyosang gaya ko!Hahahaha..Baka dika magaling kumain at sumubo Pam kaya ka siguro pinagpalit ng hayop na yon!Sa susunod galingan mo Acckla para habol-habulin kana at hindi iwan at saktan!.
Bestfrend Pam:Wow ha maka suggest ka dyan kala mo naman may jowa ka!Hmmpp..Gaga ka talaga bruhang 'to tsss..Ang hangin mo talaga Sabrina.Tsk! At yan utak mo ang bastos talaga dami mong alam na babaysot ka!Sige na bye na baka kung saan na naman mapunta yan kahalayan mong lukaret ka.
Sabrina:Hahahaha..sige sige bye na see yhaa tomorrow.Wag mong kalimutan sunduin ako sa bus terminal huh.Mwuaahh labyouツ
Matapos ma send iyon ay itinago na niya muli ang selpon ng makapag out sa social media niya.Sakto naman may pumasok na mamimili kaya naging busy na ulet siya.Alas nueve sila nag sarado ng tiyang niya ng tindahan dahil may ilang mamimili pa ang dumagsa kaya naman ginabi sila.Bumili na lang din sila ng lutong pang-ulam para pagdating nila sa bahay kanin na lang ang lulutuin.Nakasabay din nila si Mang Berto sa pag-uwi kaya as usual biniro biro na naman niya ang dalawang tanders.
"Mang Berto ikaw ha pa simple ka pa gusto mo lang makasilay kay Tiyang Esme eh ayyiiee..Yaan mo Mang Berto este Tiyo Bert na lang pala itatawag ko sa iyo ,masosolo mo si tiyang bukas dahil paluwas po ako pa maynila.Chance mo na yun Tiyo Bert na gapangin si tiyang Esme..Hahaha"
Saad niya sa kausap na si Mang Berto na kinatawa lang nito dahil sa mga banat niyang biro samantalang ang tiyang niya napapabuntong hininga at pinandidilatan siya ng mata.
"Ikaw na bata ka kung ano ano na naman yan nalabas sa bibig mo!Jusmiyo mahiya ka naman nga Sabrina kay Berto baka kung ano pa isipin nun tao!" himig na naiinis na saad ng tiyang niya pero tinawanan lang niya kaya nahampas siya nito sa braso.
"Hayaan mo na Esme okay lang ,nasasanay na ako dyan kay Sabrina sa mga biro niya.Wag kana mainis diyan.Sino at saan ka nga pala tutuloy sa maynila pagluwas mo hija? nakangiting salita ni Tiyo Bert sa tiyahin niya bago siya nito binalingan para tanungin.
"See tiyang okay lang kay tiyo Bert,kaya wag kana mainis dyan sige ka papangit ka tiyang pag sumimangot kapa lalo.Hahaha sa bestfrend ko po kay Pamela sa condo niya sa may taguig po." sagot niya na nakangiti sa kasama na tinanguan lang naman nito at dina muli nagsalita.Nang makarating sila sa bahay inaya niya na doon na lang din sumabay mag hapunan sa kanila ang lalaki na hindi naman nito tinanggihan.
Nagpaalam lang ito saglit na magbibihis lang sa bahay niya na kinatango lang nilang magtiyahin.Matapos magpalit ng pambahay ay naabutan niyang nasa kusina ang tiyang Esme niya na naghahanda ng pagkain nakaluto na pala ito ng kanin sa may rice cooker.Inaantay na lang nila si Tiyo Bert niya para sabay-sabay na sila sa pagdidinner.
Hindi naman nagtagal ay dumating na ang inaantay nila na may dala dalang softdrinks.Tamang-tama sa pagkain nila.Naging magana tuloy siya sa pagkain ng pagsalo-saluhan na nila ang mga nakahain.Panaka-naka ang kwentuhan nila habang kumakain at nagtatawanan ng bahagya.Natapos ang dinner nila ng masaya at maayos kaya naman nag prisinta na siya na ang magiimis ng pinagkainan nila. Pinagtabuyan na ang dalawang tanders palabas ng kusina.
Nagpupunas na siya ng kamay ng maabutan ang mga ito na magkatabing nanunuod ng late show sa telebisyon kaya dina na siya naki join sa momentum ng mag lovers este ng tanders sa halip nagpaalam lang na magpapahinga dahil maaga pa ang alis niya kinabukasan.
Dumating ang kinabukasan alas tres pa lang ng umaga bumangon na si Sab para maggayak.Bumaba patungong kusina para magtimpla muna ng kape at ng mainitan ang tiyan bago siya maligo.Nang maubos ang kape at mahugasan ang tasang ginamit tinaob na ito sa lagayan bago nagtungo sa banyo at naligo na.
Alas kwatro na ng makatapos kaya kinatok na niya ang tiyahin sa kwarto nito para magpaalam na aalis na.Hindi naman nagtagal bumukas ang pintuan ng kwarto ng tiyang Esme niya.
Okay lang naman na iwanan niya ang Tiyahin dahil andyan naman si Tiyo Bert na masosolo nito este makakasama pala.For sure pabor sa tiyahin yon haha,beke nemen diba magkamabutihan na talaga ang dalawang tanders.Oh diba maganda yorn!..
"Tiyang gising kana po ba?Aalis na po ako."
Sigaw niya sa pintuang nakasarado matapos kumatok na bumukas naman makalipas ang ilang sandali."Oh siya mag ingat sa biyahe anak ang pera at bag mong dala dala ingatan mo.Text mo ako o tumawag kapag nandoon ka na sa maynila." Tumango lang siya sa tiyahin bago nagmano at lumakad na palabas ng bahay.Pagkalabas ng kanto nakasakay agad siya ng tricycle at nagpahatid sa sakayan ng mga bus pa maynila.
Chinat niya at tinext ang kaibigang si Pamela ng makasakay na sa bus.Sa may buendia ang baba niya kaya doon siya susunduin ng kaibigan niya.Tinago na muli ang selpon ng mag umpisang maningil ang konduktor ng pamasahe.Umidlip din siya sa byahe at namalayan na lang niya na nasa pasay na malapit lapit na sa buendia station.
Kinapa ang mata kung may muta ba siya at labi na baka may tulo ng laway na nagpapasalamat na wala alin man sa dalawa.Tinawagan na niya si Pam na nasa buendia na siya alas singko medya na kaya medyo malamig ang simoy ng pang umagang hangin.Pagbaba ng bus terminal sa may gilid na lang niya inantay ang kaibigan na sinabing papunta na doon.
Hindi naman siya matagal na nag-antay dahil dumating naman maya-maya ng konti ang kaibigan sakay ng sasakyan nito.Agad naman siya nitong nakita kaya tinawag siya nito ng makababa ito sa sasakyang dala.
Wala pa din talaga pinagbago ang condo ng kaibigan.Ilang beses na din siya nakatulog dito sa tuwing luluwas siya ng maynila para mamili ito lagi ang kalikalikar niya pa divisoria.Syempre may sasakyan kasi ang kaibigan kaya hindi siya mahihirapang mag biyahe byahe ng marami ang bitbit.Nilagay niya ang dala bag sa may isang kwarto na inuukupa niya sa tuwing andito siya.Dalawa naman kasi ang kwarto ng meron doon kaya hindi nakakailang tignan.Magkahiwalay sila ng tinutulugan.
Paglabas niya ng kwarto nasa kusina na ang kaibigan na bagong paligo na din may niluluto ito doon na kung ano.Tamang-tama naman hindi pa siya nag agahan,hindi kasi siya sanay kumain ng sobrang aga pa.
"Wow ang bango naman niyan niluluto mo Pam,nakakagutom tamang-tama wala pa akong agahan Acckla." nakangiting saad niya ng makalapit dito.Pritong hotdog,bacon and egg,tapos may fried rice din.Yummy!!
"Bakit kasi nagbiyahe ka ng hindi man lang nag agahan aber?Oh siya magtimpla kana ng kape mo may creamer dyan pag gusto mo.Matatapos na ako dito para makapag almusal na tayo."
Tumalima naman agad siya ng marinig ang sinabi ng kaibigan nag timpla ng kape na may creamer bago lumapit sa lamesa at nag handa ng mga plato at kutsara."Alam mo naman hindi ako sanay kumain ng almusal pag maaga diba.Nagkape naman ako tapos natulog sa biyahe." salita niya habang tinutulungan si Pam na ihain sa lamesa ang mga niluto na nito.
"Oh siya-siya sabi ko nga ,hayy siya upo kana din ng tayo'y makakain na." nakaupo na din siya sa harapan ng kaibigan at nag umpisa na nga silang dalawa na kumain.
Dahil sa kabusugan nag prisinta na siya na ang maglilinis sa kusina ng kalat at ng pinagkainan nila.Maya-maya pa narinig niya ang boses ng kaibigan na may kausap sa selpon.Lumabas siya ng kusina at hinanap ito na agad nakita sa may veranda."Opo,opo andito na po kakatapos lang namin kumain Tiyang wag po kayo mag-alala.Sige-sige po kayo din dyan ingat." dinig niyang salita ni Pam sa kabilang linya kaya napangiwi siya ng maalala ang tiyang Esme niya.Paktay ka Sabrina nakalimutan mong itext!
"Bruha ka Sab bakit daw dika nagtext kay tiyang Esme na nandito kana sa akin,kaya ayon sa akin na tumawag." Opppss!Sowwy sowwy tiyang nakalimutan ko sa gutom ko kasi..Toinks!!Lagot ka gerl! Bahagyang ngiti ang sinagot niya sa kaibigan bago nagsalita."Nakalimutan ko Pam motug na kasi ang ferson.Sowwy naman.Hihi" inilingan lang siya ng kaibigan sa sinaad niya kaya naman kumapit siya sa braso nito at inaya na pa divisoria.
Ilang plastic na malalaki ang bitbit nila ng kaibigan,kaya panay ang reklamo nito na tinatawanan lang niya kasi kahit kuda ito ng kuda sa kanya tinulungan pa din siya nito. Mga panindang tsinelas, damit, sandals, sapatos, bota at kung ano ano pa ang pinamili niya kaya marami din iyon.
Nagpahinga lang sila ng makarating sa condo nito na hindi na nila binaba sa sasakyan ang pinamili dahil maya-maya gabi gagala na sila ni Pam sa may BGC lang din.Nakatulog siya at nagising lang ng bandang alas-singko na ng hapon.Pagkatapos maghilamos lumabas siya ng kwarto at hindi makita ang kaibigan kaya nagkibit balikat na lang siya.Baka logtu pa si Acckla.Mmm..mag kape muna ako hihi.
Bitbit ang kape tumambay siya sa may veranda at napalingon sa katabing veranda ng may lumabas din doon na isang lalaki na topless.Shuta ang serep tikman. Ooppss..make tulo laway ang abs at iyong broad shoulders na tamang tama ang hubog ng mga braso din mamaskels na mapipisat ka pag niyakap! Nagulat siya ng biglang lingon sa gawi niya ng lalaki na kunot ang noo kaya naman natapon ng bahagya ang kape na hawak hawak niya sa may bandang dibdib niya.Tangina self ano na bakit mo natapunan ng kape yan sarili mo ano akala mo diyan hindi mainit?Umayos ka Sabrina!
"Arraaayyy naman!"
Daing na saad niya ng maibaba sa lamesa ang hawak na tasa ng kapeng umuusok pa.Dali dali siyang pumasok sa loob para mabasa ang gawing natapunan ng kape.Namumula ang balat sa parte ng natapunan kaya naman napakagat labi siya dahil naiinis sa sarili.
"Oh anong nangyari sa iyo Sabrina aber at ng bold star kana dyan sa may banyo?Hoy hindi porke't baklita ako eh maghubadera kana dyan gaga ka!Magdamit ka nga hindi yang nakabuyangyang yan bra mo.Duh!Teka bakit namumula yan sa may dibdib mo?Napano yan?" napatili siya ng marinig ang boses ng kaibigan na nasa hambaan na ng pinto ng banyo at nakahalukipkip na nakataas ang kilay na nakatunghay sa kanya."N-napaso este natapunan kasi ako ng kape.May cream kaba dyan na pwede ipahid dito?Baka lalo pa kasing mamula kawawa naman ang kutis ko Acckla!" nakangiwing saad niya ng humarap dito na pairap lang siya tinignan nito bago tumalikod at sinabing kukunin lang yun cream.
Matapos ang paglalagay ng cream nagpalit na siya ng damit isang leggings na black at loose shirt ang sinuot niya na may naka print sa harap na spongebob.Iyon na lang din ang get up niya maya sa gala night nila ni Pam.Mas komportable siya sa mga ganoong ayos ng pananamit,hindi din naman siya sanay magsuot ng mga hapit sa katawan.
Alas-otso ng gabi sila nag ikot-ikot at gala ni Pam sa BGC, sa may steak house na lang sila nag dinner.Bago muling naglibot kung saan-saan pa.Nasa isang bar sila sa may Bgc pa din area ng may makita siya pamilyar na tao–walang iba kundi ang ex ni Pam na may kasama.Kinalabit niya ang katabing kaibigan na hindi yata napansin ang ex nito.
"Bakit?" pagtatanong ni Pam sa kanya ng lingunin siya nito dahil sa pagkalabit niya dito.Tinuro niya ang papalapit sa gawi nila kung saan nakaupo silang dalawa ng kaibigan.Napaawang naman ng labi ang kaibigan niya bago nilagok ang alak na hawak nitong nasa baso sabay iwas ng tingin sa lalaking malapit na sa pwesto nila.
"Zion"
Bati niya sa lalaki ng makalapit na ito sa pwesto nila ni Pam na tahimik lang na nainom ng alak.Binulungan niya si Pam na sinamaan lang siya ng tingin bago inirapan kaya natatawa siyang muling bumaling paharap sa lalaki ng magsalita ito.
"Sabrina?Hi Pam!Long time no see.Kumusta?" alangan nitong bati sa kanila ng kaibigan na hindi man lang tinapunan ng tingin ang lalaki.Siya na ang sumagot sa lalaki na nakatingin lang sa kanila habang ang kasama nitong bisugo este tao pala ay parang lintang nakakapit sa braso nito.
"Ayos lang kami ni Pam buhay na buhay pa naman, diba bestfrend.At sino yan kasama mo bago mo?" nakangiting saad niya sa lalaki bago sumulyap sa kaibigan tsaka muling binalingan ang kaharap na tinatanong tungkol sa kasama nito.Tinaasan siya ng kilay ng kasama ni Zion kaya nakipag sukatan siya ng titig dito.Gondo ka gerl?tsk!
"Ah-eh oo si Andrea nga pala." napapakamot sa ulong saad nito,kaya tinaasan niya ng kilay na din ang baklitang kasama nito. Inirapan naman siya nito na kinamaang niya sandali bago ngumisi sa mga ito.Aba't may pag irap ang ferson!Sarap dukutin ng mata!Tsk..tsk!
"Hindi ko alam mahilig kana pala ngayon sa exotic food Zion?Nagbago na ba ang taste mo simula ng lokohin mo ang bestfrend ko?From dyosa to impakta!Ooppss my bad!Kung alam ko lang na ganyang klase ang ipapalit mo kay Pam sana pinanghuli kita ng bayawak,súso,kuhol o kaya ahas ay pwede na din musang since exotic na ang bet mo ngayon marami sa probinsya namin." nakakalokong ngising saad ni Sab sa lalaki sabay takip kunyari ng bibig na nakangiti ng bahagya at inimustra pa ang kamay sa kasama nito mula ulo hanggang paa dahil mukha naman itong paa.Charot lang! Pero mukha pa din chuckie ang kasama ng ex ni Pam walang wala sa gandang lalaki ni Pamela.
Napasinghap naman ang kaibigan niya dahil sa narinig na sinabi na kinatameme lang ng mga kaharap pero ang kasama ni Zion namumula na ang mukha dahil sa inis.Hinila na siya ni Pam paalis ng bar ng makapagbayad ito sa tinawag na waiter ng susugudin na sana siya ng Andrea na iyon ganda ng pangalan pero sa pagmumukha no comment na lang.Chararat kasi!!Nyaayyy..
"Lukaret ka talaga Sab hindi kapa naman siguro lasing nuh?Grabe ka makalait wagas,wag mo ng uulitin iyon bruha ka!Paano kung nasabunutan ka noon edi nahawakan ng exotic yan buhok mo!Gaga na 'to lakas talaga mang bwisit!" natatawang saad ni Pam sa kanya ng makasakay na sila sa sasakyan nito at pinaandar na nito.
"Luh wala pa nga ako ginawa eh at tska hello deserve niya Acckla sa panglolokong ginawa sayo, sayang diko man lang napitik ang itlog at nalamutak ang hotdog!Pisat na sana!!Hahaha" humahalakhak na saad niya kay Pam sabay taas ng kamay na parang may nilamutak doon.Napuno tuloy ng tawanan nilang dalawa ang loob ng sasakyang kinalululanan.