CHAPTER 06

2213 Words
PAGOD NA PAGOD si Nickolo sa araw na iyon dahil sa ginawang pakikipag meeting na ginanap sa ibang lugar.Matapos ang meeting bumalik siya ng opisina para permahan ang mga naiwang papel na kailangan ng permado niya.Alas dos pa lang naman ng hapon ng makarating siya sa opisina kaya may ilang oras pa siya para pumirma sa dapat pirmahang papel. Nakareceived din siya ng text galing sa kaibigan na si Valentine.He still can't believe that him and Sandra already broke up.Mas matagal ang relasyon ng dalawang iyon kaysa sa kanila ni Camilla, akala pa naman niya ito na ang susunod na mag settled down hindi pa pala.Bumalik sa ala-ala niya ang nangyari sa kaibigan few months ago. "What the f**k Val anong ginagawa mo ang magpakalasing ka dito sa hindi mo gamay na bar?Alam mo bang maraming siraulo dito!Pasalamat ka may mabait na staff dito at nakontak ako." naiinis na saad ni Nickolo pagpasok sa bar at agad na nilapitan ang kaibigang lango na sa alak sa isang table sa sulok.Hindi siya nahirapan hanapin ito dahil inabangan siya sa labas ng taong tumawag sa kanya para sabihin ang sitwasyon ng kaibigan.Iniabot sa kanya ang telepono ng kaibigan bago iginiya sa table na inookupa nito. "Oy bestflend i-ikaw pala anong ginagawa mo dito?Sasamahan mo ba ako mag-inom?Halika upo ka ,upo ka.Samahan mo ako magpakalasing dahil broken hearted ako.That b***h cheated on me at alam mo bang nahuli ko may kasex na ibang lalaki ang kapal ng mukha kaya pala ayaw ako papuntahin sa condo niya yun pala may ginagawang milagro mga hayop na yun!.Isu Surprise ko sana dahil anniversary namin ang hayop bestflend ako na surprise ng mga gago!Ang sakit sa puso, kaya maglalasing tao.Whoa..Cheers para kay Valentine sawi sa pag-ibig lahat ng babae manloloko!" Nauutal at lasing na boses na kwento ng kaibigan niya habang may hawak hawak pa itong bote ng alak sa kamay.Napabuntong hininga na lang siya bago tinawag ang waiter na nag assist sa kanya kanina at kinuha ang bill ng kaibigan para bayadan.Nang makabayad sa waiter nagbigay na din siya ng tip dito dahil sa kabaitan.Inakay palabas ng bar na iyon ang lasing na lasing na si Valentine.Gusot ang damit nito,magulo ang buhok at langong lango sa alak.Kung titignan para itong hindi mayaman dahil sa itsura. "f**k!f**k!the hell Valentine!My ghad..Damn it!" Sunod sunod na mura niya sa kaibigan ng magsuka ito sa loob ng sasakyan niya.Sakto kasing tigil sa building kung nasaan ang condo unit nito ang biglaang pagsusuka naman nito.Amoy suka tuloy ang loob ng sasakyan niya.Mapapamura ka talaga ng hindi oras!Ang sasakyan kasi ng kaibigan pinakuha niya sa driver ng mga ito para iuwi mahirap na pag iniwan doon baka mawala pa.Nagpatulong siya sa isang staff ng hotel building na iyon para iakyat si Valentine sa unit nito kahit na amoy suka. Napangiwi siya dahil sa kulit ng kaibigan at samahan pa ng kung ano ano sinasabi dahil sa sobrang kalasingan.Nagpasalamat sa tumulong ng maihiga na nila ang kaibigan, at bago umalis doon tinawagan niya ang ina ng kaibigan para ipaalam na nasa condo na ito. Wala talagang basehan kung sino ang makakatuluyan mo habang buhay at balewala din kung gaano kayo katagal naging magkarelasyon dahil hindi doon nasusukat kung kayo na nga ba hanggang sa huli o hindi.Kagaya ng nangyaring ito sa kaibigan niyang si Valentine years per years ang naging karelasyon but sadly hindi din sila ang magkakatuluyan.Iginiya na niya ang sarili palabas ng dumating na ang mommy nito doon at lumakad pa elevator para makauwi na din siya sa bahay nila. Chineck niya ang selpon ng makatapos sa pinirmahan mga papel.Wala ni isang mensahe ang nobya para sa kanya na pinapadala kaya naman siya na ang nag innitiate ng text.Tinanong niya ito kung nakarating ba ng safe sa pupuntahan.Ilang minuto pa ang lumipas ay wala pa din siya narereceived na reply kaya naman tatawagan na sana niya ito ng may kumatok sa pintuan ng tatlong beses. "Come in" Baritonong salita niya sa taong kumakatok at hindi nga nagtagal bumukas ang pinto at niluwa nito ang sekretarya na si Tanya.May dala itong ilang pirasong papel na mukhang papapermahan sa kanya.Akala niya wala na siya pepermahan meron pa pala, napabuga tuloy siya ng hangin bago bitawan ang selpon na hawak.Nilagay sa gilid ang telepono bago ibinigay ang pansin sa sekretarya ng nakalapit na sa table niya. "Sir papapirmahan ko lang po ito galing sa finance department para po sa sahod ng mga employee next week." agad na salita ng kanang kamay niya ng mailapag sa lamesa ang hawak nito.Agad na pinirmahan ito at ng matapos sinabihan ang sekretarya na walang overtime dahil weekend naman.It's saturday for pete's sake but there he is working.He wants to spend his weekend to his fiance but sadly he has to work to commit.He already miss his fiance kahit na kanina lang umaga sila naghiwalay ng landas ngayong araw ng sabado. Ilang oras na ang lumipas na vacant na niya at waiting sa call or text ng fiance but sadly wala ni isa man lang.He felt strange feeling to his gut, but he ignore it.Tumayo siya para mag banyo at hindi na dinala ang telepono iniwan sa ibabaw ng lamesa bago naglakad patungong banyo. Nag iingay na telepono ang nalabasan niya kaya dali daling lumapit sa lamesa para sagutin ang natawag.Sumilay ang malawak na ngiti sa labi ng makita sa screen kung sino ang natawag na walang iba kundi ang fiance niya.He immediately answer but his smile faded instantly when he heard another voice to the other line. Hindi boses ng kasintahan ang bumungad sa kanya na inaasahan kundi ibang boses ng—lalaki.Who the hell is him?Where is my Camilla?.Nawala ang iniisip niya na katanungan ng magsalita ang taong nasa kabilang linya. "Hello kayo po ba si Sir Nickolo?" Dinig niyang pagtatanong ng lalaki kaya agad siyang sumagot dito ng walang alinlangan.Gusto niyang malaman bakit nandito ang selfon ng fiance niya. "Yes speaking, who's this by the way?Bakit nasa iyo ang selfon ng fiance ko?What is that address?Why would I go?" pagtatanong niya na nagtataka at inumpisahan ng lukuban ng kakaibang pakiramdam sa sistema.Iba ang pakiwari niya sa tawag na ito kaya naman sinikalan na siya ng pagkaba sa dibdib. "Ah-eh sir kayo po kasi ang nasa last call list ng may ari ng telepono kaya po kayo na ang kinontak ko,punta na lang po kayo sa address na sinabi ko para malaman nyo po. Huling narinig niya sa lalaki kaya mabilis ang naging kilos para puntahan ang sinabi nitong address.Nagmamadaling sumakay ng elevator pababa sa may parking lot.VIP elevator ang sinakyan niya kaya mabilis nakarating sa ibaba.Nagkukumahog siyang pinatunog ang sasakyan at lumulan dito bago pinasibat palabas ng parking lot. Napapamura siya ng sunod sunod ng maipit sa traffic, kaya naman panay ang busina niya sa mga sasakyang nasa unahan.Kung kailan kasi nagmamadali siya saka naman nag traffic pa.Alas singko na ng hapon ng tingnan ang oras sa suot na relos. Laking pasasalamat niya ng umusad ang traffic. Sinubukan niyang tawagan ang numero ng fiance pero ring ng ring na lang ito.Napapabilis tuloy ang takbo ng sasakyan niya dahil halo halo na ang pakiramdam niya ang nararamdaman ayaw niya mag isip ng kung ano. "f**k!" Malakas na mura ni Nickolo habang nakatutok ang mata sa daan.Namumula na ang mukha at tenga niya dahil sa frustration na lumulukob sa sistema.Hindi din sinasagot ng kung sinong poncio pilatong may hawak ng selpon ng kasintahan niya. Nasa SLEX na siya kaya tuloy tuloy na ang byahe niya ng walang sagabal.Ilang oras pa ang ginugol sa byahe bago nakarating sa destinasyon ng address na binigay ng kausap kani kanina lang.Hindi siya masyado familiar sa lugar pero natatanaw niya ang madami dami ng kumpol ng tao sa hindi kalayuan.Basta na lang niya pinarada ang sasakyan sa kalsada na katabi ang ibang mga sasakyan na naroon. Mabilis ang kilos na bumaba ng sasakyan at lakad takbo ang ginawa ng paghakbang patungo sa kumpol ng mga tao.Habang palapit siya ng palapit dito naririnig na niya ang lakas ng mga boses na naroon. Du marubdob ang matinding kaba ng makalapit ng husto sa mga taong nakiki usyoso doon sa nagaganap. "Excuse me po,excuse me!" saad niya sa mga taong nasa unahan na nag bigay naman ng espasyo sa kanya kaya ng makalapit sa unahan ganun na lang ang gimbal na lumukob sa kanyang kaibuturan ng makita kung ano ang pinagkukumpulan ng mga ito. May mga pulis na din nandoon at may harang ng kulay dilaw na tape o crime scene tape/barrier tape sa pinangyarihan ng aksidente.Nag aagaw dilim na pero dahil sa mga street lights maliwanag sa paligid ng tinitignan.May nagbanggaan kasing ten wheeler truck at kotse na nakilala niya dahil isa iyon sa kotse na meron sila. "No…no..noooo" Nangangatal na saad ni Nickolo na lumusot sa tape na nakaharang at akmang lalapitan ang kotseng nakataob ng mapansin ang kamay ng isang taong duguan ng biglang sumabog ito na kinasigaw ng mga taong naroon.Naging alerto ang mga pulis dahil sa pagsabog hanggang sa nasundan pa ng isa pang pagsabog na sa tantya nila nanggaling sa malaking track na nakatumba din. Napaluhod siya na luhaan habang pigil pigil ng dalawang pulis dahil nagwawala siya.Gusto niyang lapitan ang sasakyan pero dahil sa kawalan ng lakas at panghihina dahil sa nasaksihan wala siyang laban sa mga pumipigil sa kanya. "f**k!f**k!No..no..my Camillaaaaa" Malakas na sigaw niya sa nangangatal na labi at tuloy tuloy namalisbis pa ang mga luhang masagana sa mata.Yumugyog ang balikat niya sa pag iyak ng sandaling iyon. "Sir delikado pong lumapit baka mapahamak din po kayo." saad ng isang pulis na may hawak sa balikat niya para pigilan siya. "I don't f*****g care!Damn it naroon ang fiance ko, ang aking si Camilla!Do you hear me ang fiance ko kailangan ko siya iligtas.I can't lose her now,never!Just let me go!f**k!Please let me go."galit na bulyaw niya sa dalawang pulis na pumipigil sa kanya dahil nagpupumiglas siya lalo. Maya maya pa agad ng may rumespondeng ilang ambulansya at bombero na may kasamang ilang kapulisan pang dumating din.Sinabihan ang mga taong naroon na lumayo sa pangyayaring aksidente para na din maiwasan ang anumang sakuna. Sa nanghihinang mga tuhod tumayo si Nickolo at hahakbang na sana muli ng may pumigil sa kanya at sa paglingon niya nakita ang dalawang kaibigan na pigil pigil siya sa magkabilang braso.At binigyan siya ng nakiki simpatyang tingin saba'y iling na para bang sinasabing wag siyang magmatigas dahil delikado.Dahil doon muli na naman siya napaluhod at umiyak ng napakasakit. He can't accept this it is just sudden how could this happen!Masaya pa silang naghiwalay kaninang umaga ng kasintahan–siya na may attendant business meeting while ito naman ay may pupuntahan okasyon.Why?Why does this happen immediately?He can't think properly and all he knows is it's painful to him. They're already planning for their wedding coming soon and everything's gone well but why is that happening already?Is it a joke or a bad dream?He hopes that it is just a dream but he knows to himself that it's not a bad dream nor a joke, it's really really real indeed.His fiance–Camilla and their soon to be baby are already gone in a snap. Gusto niya talagang magwala ng mga sandaling iyon at maglabas ng sakit na nararamdaman sa puso niya, sa sistema niya ng mga oras na iyon.Hindi niya na din pinagtuunan ng pansin kung paano nalaman ng mga kaibigan ang pangyayaring iyon.His mind is clouded dahil sa nangyari.Lutang ang isipan at hindi makapag isip ng maayos at tama.Wala siyang ibang alam ng sandaling iyon kundi umiyak habang pinagmamasdan ang nangyaring pagsabog. Hindi niya man lang nagawang iligtas ang mag-ina niya sa pagsabog.Kasalanan niya bakit nawala ang mag ina niya ng ganun kabilis at kadali.Wala siyang silbi para iligtas ang mag ina niya kung may nagawa lang siya para iligtas ang mga ito, kung sinamahan niya sana ito baka hindi ito nangyari sa minamahal na babae.Baka buhay pa ito ngayon at masaya sila para sa nalalapit na kasal at sa pag asikaso sa pagbubuntis nito kaso wala eh, wala na silang dalawang taong mahalaga sa buhay niya.Masakit sobrang sakit para sa kanya. Ang mga sumunod na sandali at pangyayari ay hindi na niya nasundan at alam dahil natulala na siya na hilam na hilam pa din ng luha ang mga mata.Tanging mga boses na lang ang naririnig niya na hindi niya tinitignan kung sino sino at kani kanino galing.Ang mga kaibigan na lang din niya ang nakikipag usap sa pulis na may tinatanong dahil hindi siya makausap ng matino. The next thing he knew is nasa isang sasakyan na siya kasama ang dalawang kaibigan pabalik pa maynila.Ang sasakyan niyang dala ay ang isa sa tauhan ng kaibigan ang nagmamaneho kasunod nila.Para na siyang lantang gulay kaya nagpapatianod na lang siya sa mga ito.Dinig niya din may kausap sa telepono ang isa sa kaibigan niya. "Opo tito he's safe po!On the way na po kami pabalik dyan sa maynila.Sige po tito salamat send ko na lang po sa inyo ang address ng pagdidiretsuhan namin." Lumingon siya sa kaibigan pero hindi nagsalita.May sinabi pa ito na hindi niya naunawaan at maintindihan o mas tamang sabihin ayaw tanggapin ng isipan niya ang mga bagay bagay..Bumuntong hininga na lang siya bago sumulyap muli sa labas ng bintana ng sasakyang kinalululanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD