CHAPTER 01

2201 Words
NASA PALENGKE ako ng makatanggap ng text mula kay Accklaa ang aking bestfriend na member ng LGBTQA+ ,yeah his my one and only bestfriend walang iba kundi si Pamela one, not Pamela two, three, four and soon Char!. Since fetus pa lang kami magkaibigan na kami ni Pam, kasi siguro noon mga panahong ginagawa kami ng mga magulang namin magkapanabay. Echos lang! Tumigil muna ako sa isang tabi para basahin ang text ni Pam sa akin. Bestfriend Pam:Asaan ka girl?Punta ako maya sa inyo magkita tayo off ko today so I'm at my mudrakels home sweet home. Basa ni Sab sa text message sa kanya na namimilog ang mata niya dahil sa excitement ,ee pano ba naman kasi di ma eexcite ang lola n'yo Once in a blue moon lang naman kami magpangita ni Accklaa kasi nasa manila nag wowork while me still here at our province. Walang sinayang ang dalaga at agad na siya nagreply. Me:Ayy wow buhay kapa pala Ackklaa buti naman nitext mo ako..Hahaha:) Sige punta ka sa bahay andito pa lang ako sa palengke may binibili. Maya na kita chickahin para makatapos na ako dito sa pamamalengke. Babush na ateng! Send message! matapos ma isend ng dalaga ang reply agad niya binalik sa bag ang selpon at naglakad na muli papasok sa palengke bitbit ang mahiwagang Bay-ong. Kakatigil niya pa lang sa tindahan ng isda ng tumunog ang fone niya. Bestfriend Pam:Okay see yah later girl..Mag beauty fresh este rest muna aketch! Babush too! :) Inilabas ni Sab ang selfon para basahin ang reply ni Pam sa kanya. Natawa siya ng bahagya sa reply nito kaya naman nireplayan niya muna bago bumili ng isda. Me:Tangina Accklaa may pa beauty rest kapa nalalaman wala ka ng igaganda Oyyy!!..hahaha :)Okie dokie Beauty rest well! Mapang-asar na reply ang ginawa niya kaya naman may munting ngiti sa kanyang mga labi ng itago na talaga ang selfone niya. Binaling na niya ang tuon sa tindero ng isda at bumili ng isang kilong tilapia at ganoon din sa galunggong. Matapos makapagbayad sa tindahan naman ng mga gulay siya tumungo at bumili ng isang taling kangkong , isang bungkos ng sibuyas na tagalog, kamatis half kilo, bawang na isang supot,at pampaasim sa gagawin niyang sinigang na tilapia. Nang makompleto ang mga kailangan sa palengke lumargada na din siya pauwi sa bahay nila. Nadatnan niya ang kanyang Tiyang Esme na nanunuod ng favorite noon time show sa telebisyon."Good Afternoon tiyang" bati ng dalaga sa tiyahin ng makalapit dito at makapag mano bago dumiretso sa may kusina at ng maihanda na niya ang kanyang mga lulutuin para sa kanilang pananghalian. Sinarapan ni Sab ang pagluluto with "Love poison!"Char! para naman ganahan na ang kanyang tiyang na kumain lately napapansin niya na parang hindi masyado nagkakain ang tiyahin niya kaya napapaisip siya minsan. "Hindi kaya may sakit si tiyang o baka naman nagapang na ni Mang Berto? at..... OHhhh Myyyy Geeee baka buntis si tiyang?Hindi kaya?" kausap ni Sab sa sarili habang nakaharap sa direksyon ng tiyahin niyang busy sa panunuood. "Gaga kaba Sabrina Dimaculangan kung ano ano iniisip mo, ee bakit dimo kaya tanungin ang tiyang mo?Masyado ka din advance mag-isip nuh!" napangiwi si Sab ng kumontra ang isang bahagi ng isipan niya, kaya naman napatampal tuloy siya sa noo ng wala sa oras. "Oo nga naman Sab wag kang advance mag isip magtanong ka muna sa tiyang mo!Pektusan kita diyan ng isa ee." banat namang muli ng makulit niyang isipan. Napabuntong hininga siya at saka umiling iling ang dalaga saglit para alisin sa isipan ang advance na naiisip agad. Nang masuwata na ang sarili nilapitan na niya ang kanyang tiyahin at niyaya na para sa pananghalian nilang dalawa. Ayon epektib ang "Love Poison" na sinahog niya, kasi maganang kumain ang tiyahin niya kaya naman napa Twinkle-twinkle little star ang kanyang mga mata..Hahaha Echos lang! Napangiti ang dalaga ng malawak dahil sa nakitang pagiging magana ng tiyahin sa pagkain, kahit paano nakahinga siya ng maluwag. Hindi niya hinayaan tumulong ang kanyang Tiyang na magligpit ng kinainan nila siya na ang nagkusa at sinabihan na lang ang tiyahin na manuod na lang muli o kaya maidlip pag nakapag pahulaw ng kinain. Pakanta kanta ang dalaga habang naghuhugas ng plato, kubyertos,baso at iba pa ng tumunog ang kanyang teleponong nasa bag pa nga pala niya. Binilisan na niya ang pagsasabon at pagbabanlaw dito at ng matapos nagpunas ng kamay. Tinungo niya ang pinaglagyan ng bag at inilabas mula sa loob nito ang selpon at binasa kung sino nagtext. "Ayy letsugas Sim Network lang pala ang nagtext. Ano ba yan Sab expired na load mo!." bulong na salita ng dalaga sa sarili habang nakatunghay at hawak pa din ang selfon niya. Nang mabasa yon binalik na lang niya sa bag ang aparato at naisip na umidlip din at mamaya na lang siya mag loload. Nagising si Sab mula sa kasarapan sa pagkakatulog ng bahagya siyang tapikin ng tiyang niya sa may binti na nababalutan ng kumot, yeah kumot is life kahit tag araw pa yan basta matutulog di pwede walang kumot kahit na tirik na tirik si Haring Araw!!.. Paungol lang ang naging sagot ng dalaga sa taong tumatapik sa kanyang mga binti. "Ala-ehh Sabrina aba hoyy gumising kana alas-kwatro na ba-ga at andoon sa may sala si Pamela inaantay ka, kaya ikaw ehh bumangon na diyan." dinig niyang salita ng tiyang Esme niya at ng marinig ang binanggit nitong pangalan napabigla siya ng bangon at tila bumalik ora mismo ang kanyang kaluluwa sa katawan at tuluyan ng nilisan ng antok na nadarama. "A-ahhh e-ehhh kanina paba si Pam tiyang?" nautal niya pang tanong ng makabangon na mula sa higaan saba'y hikab. Tumango lang ang tiyang niya at sinabihan na siyang mag-ayos ng sarili. "Acckklaaaaaa" matinis na hiyaw ni Sab sa kaibigan ng makalabas ng kwarto at naka-ayos na siya, syempre naligo siya kahiya naman sa kanyang handsome este pretty bestfriend pala. Agad siyang yumakap dito at walang sabi sabing hinalikan sa may pisngi nito na siyang ikinangiwi at tulak nito sa kanya ng bahagya. "Eeewww,, yuccckkkss Sabrina Tangina ka kadiiirriiii ang halik mo gaga!!!.." maarteng bulalas sa pagmumukha niya ni Pam sabay punas ng pisnging hinalikan niya at siya naman tawang tawa lang kaya sinamaan na siya ng tingin ng kaibigan. Tumigil na ang dalaga sa pagbungisngis pero ang gwapong mukha ng kaibigan niya nakabusangot pa din kaya tinatry niya pigilan ang matawa talagang muli. Nang maayos na talaga ang sarili at wala ng bakas ng pagtawa pinaupo na niya si Pam at saka nag kumustahan sila at nagkwentuhan ng kung ano-ano. Isang oras din ang tinagal nila ng yayain siya ni Accklaa na itreat siya nito sa favorite nilang kainan. Daig pa ni Sab si flash sa bilis na tumayo at tinungo ang kwarto ng tiyang niya para magpaalam dito na lalabas sila ni Pam. Pinayagan naman siya ng tiyang niya at ng makabalik sa pwesto ng kaibigan niyaya na niya ito paalis. Sumakay lang sila ng jeep patungo sa kakainan nila at ng makarating doon medyo madaming tao pero keri lang may vacant pa naman at tsaka libre naman ni Pam ee. Pabalik na si Pamela sa table na nahanap ni Sab bitbit ang mga inorder niyang favorite nila pareho ang Burger, fries, float,sundae at may chicken wings pa spicy flavor. Matapos malapag sa table ang mga dala dala niya inumpisahan na din nila itong lantakan habang nagku-kwentuhan pa din. "Sab ayaw moba mag try na magtrabaho sa manila doon sa pinagtatrabahuhan ko?" matamang tanong ni Pam sa kaibigang busy sa pagnguya ng burger at fries matapos isawsaw sa sundae. "Gusto ko sana Accklaa kaso paano si tiyang at ang tindahan niya, wala siyang makakatulong doon kaya diko maiiwanan siya." mahinang sagot ni Sab na medyo mahihimigan ang lungkot sa boses nito. Napatango naman ang kaharap at sumubo ng fries bago muling nagsalita. "Ayy oo nga pala may tindahan pa pala ang tiyang mo, wala ba kayong ibang tauhan doon?Basta pag keri at ready kana mag manila girl just poke me para ako maging backer mo at maipasok kita sa pinagtatrabahuhan ko." malumanay na saad sa kanya ng kaibigan at tanong nito na sinagot naman niya na dalawa lang yon tindera din nila bukod sa kanya kaso stay out yon dalawang tindera nila. Iniisip kasi ng dalaga na kung mag maynila siya walang makakasama sa bahay ang tiyang Esme niya at yon sa tindahan.na din. After noon dumaan ang katahimikan hanggang sa makatapos na silang dalawa na kumain. Pagkalabas nila naglakad lakad lang sila sandali at tumambay sa nadaanang Basketball Court. Naupo sila doon at napag pasyahan doon na lang magpalipas pa ng ilang oras at syempre pabor na pabor kay Accklaa kasi may mga gwapings na naglalaro. Ohhh diba haharot muna si Accklaa baka sakaling may mabingwit parang isda lang!. Napasarap sila sa panunuod sa mga naglalaro minsan napapasigaw sila sa pag checheer na din kahit di naman nila kilala ang player lalo na doon sa may Jersey na kulay red and black combi at nakatatak sa likod ang 'Garcia 13' pana'y doon na din ang tili ng kasama kong si Pam , ee paano ba naman hindi titilian ee ang gwapo naman nong mokong grabe makalaglag panty kahit pa soen brand ang gamit mo at makatulo laway ang mga maskels na nagfleflex kada mag ti-three points shoot. Nakipag apir yon may Garcia 13 sa ka team mate nito ng maka three points shoot. 'Nice one Garcia, ang galing mo talaga mag three points shoot, dika lang pala sa pangbabae magaling..hahahaha!!.." dinig na saad ng ka team non lalaki ng mapapunta sa gawi nila ni Pam kung saan sila nakaupo. Natapos ang game na panalo yon team non gwapong nilalang na hindi nila know ang pangalan. Nag-aya na siya kay Pam dahil ang bruhang si Accklaa mukang wala pang balak na umalis sa court kahit tapos na ang game. "Oyyy Accklaa ang laway mo tulo na, grabe ka parang gusto mo ng lapain yon gwapong lalaki ahhhh. Kahiya ka kaya't pa laway mo wag pahalata bekle!" nakangisi at mapang asar na salita ni Sab sa katabi ng humarap siya dito at kunyari pinunasan ang bibig nitong medyo nakaawang. Tinampal lang ng kaibigan ang kamay niya bago siya binuweltahan ng sagot matching sabunot sa beautiful hair niya. Yup buhat bangkito na siya para magaan lang Char! Pero totoo maganda talaga siya este buhok niya..Ooppss..maganda talaga siya i swear fetus pa lang siya dyosa na!!... "Gaga bunganga mo naman Sab, at tsaka anong tulo laway ka diyan hindi kaya tsk!" nakasimangot na sagot ng kaharap niya sabay hila sa buhok niya. Na siyang tinawanan lang niya. Nang makita niya dadaan sa gawi nila si Garcia 13 walang pasakalyeng tinawag ng dalaga ito at tinanong ang pangalan syempre kasama na ang number nito, para naman masiyahan si Accklaa at di lugi. "Heyy Garcia 13 pwede magtanong anong pangalan mo at number na din?" walang ligoy na tanong ni Sab sa lalaki since konti na lang ang taong andoon. Tumigil ang lalaking lalampasan na sana sila sabay lingon sa gawi nila kaya ang siste si Accklaa kinilig hanggang pwet niya. Ngumiti ito sa kanila bago bumuka ang bibig. "Hmmmm...secret just guess what is my name and about my number I don't need that tho!" sagot nito sa kaniyang tanong sabay kindat at talikod na. Hinarap niya si Pam na nakahabol lang ng tingin sa papalayong gwaping na lalaki. "Pam bokya hindi tumalab ang charm ko" kunyari nakabusangot niyang saad sa kaibigan kaya naman napalingon ito sa kanya sabay batok sa kaniya. "Gaga ka talaga Sabrina Dimaculangan bagay talaga sa iyo yan surname mo!" bulalas naman sa kanya ng kaibigan matapos siyang batukan nito na sinagot naman niya ng. "Ayyy wow Frankniel Dela Vega dimo naman sinabing laitan portion pala ito ng surname tangina ka Accklaa ang sakit ng batok mo sa akin, bwisit ka!" pabirong banat niya pabalik sa kaibigan na ikinaasim ng mukha nito dahil sa pagbanggit niya sa real name nito. "Grrrrrr...don't you dare Sabrina call me again to my real name..Like duh.. it's Pamela!! as in P-A-M-E-L-A!! get it?" maarteng sagot nito na may himig na di niya maintindihan kung aburido o ano yon.. "Oyyy engglishiiieee yorn Accklaa ahhhh, wait my brained gotta loading for a moment!!" mapang asar niyang sagot na may kasamang tawa, kaya tuwang tuwa naman siya sa asar na ekspresyon na nasa peslak ng kaibigan kaya inulit ulit pa niya ang pagtawag dito sa realname nito ng pa singsong voice pa na ikina walk out nito talaga at iniwanan na siya sa pwesto kaya mabilisan na hinabol niya ito na natatawa. Naabutan niya si Pam sa pa-walk out momentum nito at inangkla niya ang kamay sa braso nito sabay sabi na naman ng "Eto naman si Accklaa dina mabiro, ayaw mo ba sa pangalan mo 'FRANKNIEL' lalaking lalaki ang datingan at forda ferson sa gwapo mong yarn diba." nakabungisngis niyang saad habang naglalakad sila. Hinawi nito ang kamay niyang nasa braso nito at nagpatiuna na sa kanyang paglalakad. Humalakhak siya ng malakas dahil sa pagiging asar talo nito at sumunod na ditong muli sa paglalakad baka kasi iwanan siya nito pag naasar na talaga ng tuluyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD