"ERI?" Umungol lang si Erica bilang tugon sa panggigising ni Josh sa kanya. Nakadapa siya sa kama, nakadikit ang dibdib sa malaking braso ng binata, at nakakawit ang isang binti sa pagitan ng mga hita nito. Ang sarap na ng tulog niya dahil sa komportableng posisyon, lalo na't pareho silang nakahubad. Kaya ayaw niyang imulat ang mga mata. "What time is it, Josh?" "Alas-tres ng umaga." Umungol sa reklamo si Erica. "Hindi na ba 'yan makakapaghintay bukas?" "Ngayon ko na naisip, eh." "Ang alin?" inaantok pa rin na tanong niya. "Na puwede kong dagdagan ang goal ko ngayong katatapos lang ng third friendship anniversary natin. Baka puwede namang magdagdag tayo ng isa pang achievement." "Okay. Ano naman ang gusto mong idagdag?" Nang hindi agad sumagot si Josh, hinawakan ni Erica ang kamay
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


