Present ERICA missed Josh. Iyon lang naman ang nakikita niyang dahilan kung bakit siya ang unang pumutol sa Fall-Out Stage nila. Isa pa, alam niyang hindi niya basta-basta maiiwan ang binata. Hindi siya makakaalis ng bansa nang hindi nasisigurong maayos ang buhay ni Josh. Bago pa man din may mangyari sa kanila, concerned na siya rito dahil magkaibigan sila. Hindi lang naman hanggang s*x ang "benefits" ng pagkakaibigan nila. Siguro bago siya umalis, dapat niyang masigurong may babaeng mag-aalaga na rito. Oras na para magkaroon ng matino at disenteng girlfriend ang binata. Should I set him up with someone? Iniisip ni Erica kung anong klase ng babae ang babagay kay Josh habang nakahiga siya sa malaking bicep nito at marahang hinihimas-himas ang matitigas nitong abs. Simula nang "magkabati

