Paggising ko halos ang bigat ng eyelids ko. Di ako halos makadilat. Nanghihina din ang pakiramdam ko. "Honey im glad dahil nagising kana" masayang bati sa akin ni Bryan habang mahigpit na nakahawak sa kamay ko. "Nasaan tayo hon?" tanong ko habang pinagmamasdan ko ang paligid. "Nandito tayo sa Hospital hon, kumusta na pakiramdam mo? Sobra kaming nag-alala sa yo. Oo nga pala, may nangyari sa akin kagabi, at buti nalang at dumating si... "Nasaan si Dave hon? " muli kong tanong sa kanya habang inililibot ko ang mata ko. Medyo nawala ang ngiti niya at... "Pinauwi ko na muna siya hon, nakakaawa naman dahil basang basa siya kagabi." patuloy ni Bryan. Pero di ganon ang huli ko nakita, sinasak siya ni manong. "Gusto ko na lumabas dito, gusto kong makita si Dave kung ok lang ba siya,

