Kinabukasan masakit ang ulo, para tuloy ayaw ko munang bumangon. Dagdag pa na medyo maulan ngayon sa labas. “Hala, nalasing nga pala ako kagabi, tsk malamang hang over to” Pinilit kong bumangon kahit mabigat pa ang katawan ko. Baka kasi hininhintay ako Dave. Teka si Dave??? May kasalanan nga pala siya sa akin kailangan naming mag usap. Nasa banyo na ako ng may maalala ako. “Oh my God, gising kaya siya kagabi?" Sana hindi….Napahawak ang dalawa kong kamay sa aking mukha. Hinalikan ko nga pala siya kagabi, sana di siya nagising. Nakakahiya talaga. Naligo na din ako tuloy at nag ayos na, kasi tanghali na din pala. Di lang halata dahil talaga maulan sa labas. Nagulat pa ako ng makita ko si Dave at Bryan habang masayang nag uusap habang kumakain. “Oh honey gising kana pala, c’mon join u

