TANDA ni Peter ang lugar na ito. Ang eskinita na tatlong taon na ang nakaraan noong huli siyang napunta rito. Dito rati nakatira sina Edna at Tiyang Roma. Hindi siya makapaniwala na sa lugar na ito nakatira si Alex. Nagring ang kanyang phone at kinuha niya iyon. Saka itinapat sa kanyang tenga. "Sir, andiyan po siya sa loob ng bahay niya," imporma ng impormante ni Peter. "Okay. Thanks." Mabilis na lumabas si Peter ng kanyang kotse. Ar pinuntahan ang sinasabi ng kanyang impormante na bahay ni Alex. Kailangan niyang malaman kung anong nangyari kay Alex. At kung pano nito nagawang traydorin siya. Sobrang pinagkatiwalaan niya noon si Alex. Kung ituring na nga niya ito ay parang kapatid. Sa huli malalaman niya ang ginawa nito. Akala pa naman niya ay hindi ito mabibili ng pera. Nasa harapan

