“I WILL NOT tolerate those actions! You're late of one hour! Ang sa lahat nang ayoko ay mayroong nalalate sa oras ng trabaho. What do I will tell to our boss that you failed, Edna?” galit na galit na sigaw ni Noel. Nagtaas baba ang balikat ni Edna sa malakas na sigaw ng manager nila. Habang si Mariz ay parang wala lang at prente lang itong nakaupo sa katapat ni Edna. Dismayado ang manager ni Edna sa kanya dahil nakagawa na agad siya ng mali. Nakakahiya siya sa ginawa niya. Pero sa oras na patawarin siya ni Mr. Noel, ipapangako niya na hindi na siya kailanman malalate sa pagpasok sa trabaho. Nakanguso na tumingin si Edna kay Mariz, parang nagpapaawa rin ang mga tingin niya sa kasamahan. Napatayo bigla si Mariz. “Noel, ano ba! Kanina ka pa sigaw nang sigaw, sumasakit na ang tenga ko sa wal

