NAG AAGAHAN si Edna kasabay sina Tiyang Roma at Manang Gina. 'Di na siya dinalaw ng antok noong dumating si Peter. 'Di maalis sa isip niya ang biglaang pag angat ng buhay niya kasama ang binata. Napakalaki ng pasasalamat niya kay Peter. Ngunit, panatilihin niyang nakasayad ang paa sa lupa. Marami ang mapagmata na mga tao at iispin nilang nang dahil sa pera ay pinatulan niya ang binata. "Si Peter?" tanong ni Manang Gina. "Tulog pa po. Papasok na po ako sa trabaho ko. Pakisabi na lamang po kay Peter na nakaaalis na ako," nagmamadali si Edna na tumayo at uminom ng tubig. Kailangan niyang unahan na hindi pa nagigising ang binata. Dahil baka pag naabutan siya ni Peter ay 'di na siya payagan na makaalis. Nagtaka naman ang dalawang matanda sa inasal ni Edna. "Bakit ka na nagmamadali?" tanong n

