"IHAHATID NA kita pauwi!" Hatak ni Peter sa kamay ang dalaga. Umalma si Edna sa mahigpit na hawak ng amo. Takot ang bumabalot sa mukha ni Ditas. "Ano bang problema mo, Sir Peter?! Pala-desisyon ka sa buhay ko!" reklamo ni Edna. Naglilisik ang mga mata ni Peter na tumingin kay Edna. "Yes, I do have a problem! We have to go home now! Hangga't kaya ko pang pigilan ang sarili!" Hinihingal sa sobrang galit ang binata. 'Di niya maintindihan ang sarili nang biglang sumabog ang galit niya ng marinig ang pangalan ni Nilo. He knows that Niles who they are talking about. "Sir Peter, kumalma po kayo. Ano po bang nangyayari sa inyo?" namagitang tanong ni Ditas. Nag aalala na rin ito para sa kaibigan niya. Sobra pala magalit ang amo ni Edna. Umuusok ang ilong nito at parang sasabak sa giyera. "We w

