Chapter 12

2074 Words

UNANG araw ni Edna sa trabaho. Pusturang pustura siya. Hindi aakalain na nasa maintenance department ang trabaho niya. Wala namang nakakaalam ng tunay niyang posisyon sa kompanya. 'Di bale ng janitress, basta may trabaho siya at kumikita ng pera. Kesa naman nasa bahay lang siya. Puro sermon lamang at pagdadabog ng tiya niya ang maririnig niya. Hindi niya naman masisisi ang tiyahin. Umalis siyang manilbihan sa dating mga amo. Akala niya kasi sa oras na makapagtapos siya ay madali lamang siyang makakaharap ng magandang trabaho. Para siyang sumusuot sa butas ng karayom makahanap lamang ng maipagmamalaking trabaho. "Edna, papasok ka na ba sa trabaho mo?" tanong ng Tiyang Roma niya. Nang maabutan siyang sinusuklay ang buhok. Pinagmasdan ni Roma ang pamangkin mula ulo hanggang paa. Kamukhang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD