ARAW NG Sabado, day off ni Edna. Napagpasyahan niyang dalawin siya Mariz. At nang matanong na rin ang kaibigan niya. Kung totoo ngang si Peter ang may ari ng CLA. "Edna, long time no see," medyo tumaas ang boses ni Mariz nang makita ang kaibigan pagkalipas ng isang linggo. Niyakap ni Mariz si Edna ng mahigpit. Sobrang namiss niya ang kaibigan. Hindii na rin kasi siya pumapasok sa CLA. Maselan ang ipinagbubuntis niya kaya hindi na ifo pinapasok pa sa trabaho ng magiging asawa niya. Nang bumitaw sa yakap si Edna ay marahang idinampi niya ang kamay sa tiyan ng kaibigan. "Kumusta na, inaanak ko? Hindi ka naman pinahihirapan nitong nanay mo?" Natawa si Mariz sa tinuran ng kaibigan niya. "Sira! Siyempre hindi 'no. Takot ko lang sa tatay niya, 'di giyera kaming dalawa kapag may nangyaring mas

