NAPAUPO si Peter sa sahig. Napasandal ang ulo sa pader at panay ang tulo ng luha niya. Kung mayroon lamang siyang magagawa ngayon habang nagdurusa ang kalooban ni Edna, sana hindi mabigat sa dibdib niyang nakikita na nasa ganoong sitwasyon ang babaeng pinakamamahal. "Tumayo ka nga d'yan. Hindi ka makakatulong kay Edna kung ganyan ka," ang sabi ni Nickson sa kanya. Sobrang nakakaawa ang ayos ng kaibigan niya habang nasa labas ng pinto ng library. He hadn't seen Peter like this before. Matagal na silang magkakaibigan nito. And he knows Peter Jon Clarkson, who is a playboy and takes his business seriously. But has never taken a relationship so seriously. "Pare, kasalanan ko. Kasalanan ko ang nangyayari sa kanya. Sana ako na lang ang nasa ganoong sitwasyon para naman makabawi ako sa lahat n

