BHELLA'S POV... ******* PARA LANG akong nananaginip sa bilis ng mga pangyayari. Parang kanina lang ay nanood ako ng hollywood movie na sobrang nadala ako sa kuwento. Nakikita ko kasi ang relasyon namin ni Aljoe sa movie na yun. Ang bidang babae ay hindi na naniniwala sa forever, dahil ilang beses na itong nasaktan. Isang beses lang naman ako nasaktan noon eighteen years old pa lang ako. First love ko kasi si Leo, pero nalaman ko na lang na ipinagpalit niya ako. At sa bestfriend ko pa. Kaya matapos kong umiyak ay nagpasya akong kalimutan na lang siya at hindi na muling magmamahal. Iyon din ang dahilan kaya ako pumasok sa Military. Doon naman ako natagpuan ni Lord Aaron at ginawang Private bodyguard niya. Doon ko rin unang nakilala si Aljoe. Siya ang Executive Secretary ni Lord Aaron, s

