"Dios ko! Bakit nangyayari na naman ito sa akin? Akala ko malayo na ako sa panganib, pero bakit hinayaan mong masundan kami ng anak ko rito ng mga masasamang loob? Ano bang gusto nila sa akin, sa amin ng anak ko?" umiiyak na pagkausap ni Eve, sa dios. Hindi rin siya sigurado ngayon kung makakaalis pa silang buhay ngayon o hindi na. Baka pag lamayan na silang mag-ina bukas. "Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa inyo ng anak natin, mahal. Mamamatay muna ako, bago nila kayo magalaw ni Aj." sabi ni Jude. Muli din niyang binaril ang taong palapit sa kanilang sasakyan, kaya agad na bumulakta ito sa kalsada. "AAAY!" malakas na sigaw ni Eve, dahil sa takot niya sa pag putok ng baril ni Jude. "Mahal, dito ka lang at huwag kang lalabas ng kotse. Haharapin ko lang ang mga hayop na yan n

