CHAPTER 31

1021 Words

NATUWA si Czarina nang pagpunta niya sa Club Notteria ay iniabot na niya sa babae ang testamento. Agad na nitong kinontak ang kliyente nila. Habang hinihintay nilang dumating ang kliyente ay nagpunta naman si Lauradia sa opisina ni Miss Red Butterfly. Inabutan siya ng tseke ng babae. “Here is the payment. Gamitin mo `yan para sa anak mo.” Kinuha niya iyon at huminga nang malalim, bago ngumiti. “Salamat po.” Tumango si Miss Red Butterfly. “You worked hard for it. Kapag kailangan mo pa ng trabaho sabihin mo lang sa akin. I will give you easier jobs if that’s the least I could do for you.” Lumambong ang ngiti ni Lauradia. “Hindi na ho kailangan. Nakahanap na ako ng ibang trabaho,” aniyang hindi napigilan ang pait sa tinig. Alam niyang iyon lang naman talaga ang in-offer sa kanya ni Raiven.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD