CHAPTER 29

1786 Words

NANLAMIG si Lauradia sa pagkatarantang biglang lumukob sa kanya nang luwagan ni Raiven ang pagkakabukas ng pinto. Hindi niya inaasahang papapasukin siya nito. Hindi siya kumilos sa pagkakatayo niya sa labas ng pinto. Tinitigan lang niya ang likod ng binata. Lalo siyang ninerbiyos dahil pagbukas pa lang nito ng pinto ay napansin na niyang nakaroba lang si Raiven at basa pa ang buhok. Nanuot sa ilong niya ang bagong paligong amoy nito. Wala siyang tiwala sa sarili na sundan ang binata lalo pa at damang-dama niya ang epekto nito sa kanya. Hayun nga at nararamdaman pa rin ni Lauradia ang kakaibang kilabot sa balat niya habang nakatingin dito. Huminto si Raiven sa paglalakad nang tila mapansing hindi siya sumunod dito. Nilingon siya nito at kinunutan ng noo. “Pumasok ka at isara mo ang pinto.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD