Napalingon kay Lauradia ang doktor na naroon. Saglit lang niyang tinapunan ng tingin ang doktor at lumapit sa kama kung saan nakahiga ang payat na batang lalaki. “Lance!” ani Lauradia, sabay haplos sa braso ng anak niya. May oxygen na nakalagay sa bibig ng batang lalaki na wala bago niya ito iniwan kahapon. “Huwag kang mag-alala, maayos na siyang natutulog, Mrs. De Guzman,” malumanay na sabi ng doktor. Nakahinga siya nang maluwag at ginawaran si Lance ng halik sa pisngi, bago tumayo at hinarap ang doktor. “Bakit ninyo ho ako hinahanap?” Sumenyas ang doktor na sa labas sila mag-usap. Kinakabahang tumango si Lauradia. Tiningnan muna niya si Lance, bago lumabas. “I’ll be frank with you, Mrs. De Guzman, but your son’s health is getting worst. Kanina, bigla na lang siyang nahirapang huminga

