Electra POV
Walang magawang pilit kong sinasabayan ang trip ng mga bisita ni Senator. Nakakandong sa kanya si Tricia. She’s all smile and being her sweet, loving girl self.
Napapairap ako sa tuwing tatawagin niya akong, ‘sis’. Parang close kami. Magaling nga talaga siya umarte. Gustong-gusto siya ng mga kasama ni Senator. Wiling-wili sa mga kinukwento niyang mga nagiging kliyente niya.
Talagang nage-entertain siya ng mga bisita.
Ang iba sa kanila, first time makapunta dito. Ang isa, naisama na niya dati at si Polaris naman ang dati niyang nakakasama.
“I love this place. No wonder nagtagal. Ilang taon ako sa ibang bansa at last na punta ko dito, 8 years ago and – still, magaganda pa rin ang mga babae.” Aniya. Humithit sa kanyang sigarilyo. Humawak sa hita ko pataas sa slit ng damit ko.
“Yeah. I support the owner of this. His a good friend than an enemy.” Nabaling ang tingin ko kay Senator ng sabihin niya ito.
Kilala niya?
Sa tinagal-tagal ko dito, never ko pa na meet ang sinasabi nilang may-ari. Tanging si Boss Z lang ang laging nakakasalamuha namin.
“Balita ko, napahinto ang auction dito? He is so ruthless when it comes to business. Lahat tinatalo. Walang kinikilala.”
Tumingin ako sa mga pagkaing nakahain sa lamesa. Nakikinig ng mabuti baka may makuha akong inpormasyon na magagamit ko. Naramdaman kong inakbayan ako ng lalaki. Hindi agad nakasagot si Senator dahil sa mga pinaggagawa nila ni Tricia.
Naiinis ako.
“Are you hungry?” ngunit nabaling ang tingin ko sa katabi. Pinisil niya ang braso ko.
Umiling ako’t ngumiti. Tinignan ang isang kasama nilang natutulog na sa sofa, panay naman ang kuha ng litrato sa isang kasama nila sa kanya. Ise-send daw sa asawa nito ang mga kuha ng kawawang lalaki. Tinawanan nila iyon, maging si Senator huminto sa ginagawa at sinabi ang theory niya sa mangyayari sa mag-asawa. Alam pala nila na selosa ang asawa ito na isa ring kilalang tao kaya bakit nila sisirain.
Well, hindi na ako magmamalinis. Parte naman ako doon. Ako o kami ang kasama nila imbis na ang kanilang mga asawa’t pamilya tapos kung palarin— may extra service silang gagawin na dapat sa asawa lang nila ginagawa. Silang dalawa dapat ang nagsasalo hindi kami na— tini-take out para mapawi ang init pansamantala.
Nabaling sa ibang topic ang pinag-uusapan nila. Boring kong iniyakap ang kamay sa lalaking katabi ko. Hinipo ko ang dibdib niya pababa sa kanyang tiyan.
“Nandito ka ba n’ung huling auction? Parang namumukhaan kita?” malambing kong tanong sa kanya. Nagpa-puppy eyes pa.
“No, baby. Nasa US na ako that time.”
“P-paano mo nalaman na na-raid ‘to?” Pinadaanan ko ng daliri ko ang leeg niya pataas sa kanyang tenga. Naging mabigat ang paghinga niya sa ginagawa ko.
Napangisi siya at tinitigan ako na parang nagtataka. Kinabahan ako dahil doon. Mukha bang nage-imbestiga ako? “Malaki ang bar na ‘to, Babe. Malaki ang sakop at. . . mga malalaking tao ang namumuno dito. Why are you asking by the way?” Hinuli niya ang kamay ko.
“Wala naman. Isa kasi ako sa mga babaeng dapat ibe-benta kaso. . . ayon na nga na-raid before pa man ako masalang.”
“I see. Nagpapalamig lang ang mga iyon. On-going pa rin ang inbestigasyon. But I doubt after mamatay ng pulis na humawak— Tsk!” Napailing siya. “Mali siya ng sinuportahang kampo. He put his two feet under the ground.”
Hindi na ako kumibo nang sinabi niya iyon. Inabutan niya ako ng isang pink na cocktail drink. Ininom ko iyon at sinulyapan ang dalawa. Nakahiga si Tricia sa sofa habang niro-romansa naman ni Senator. Nag-inuman kami at ilang kwentuhan tungkol sa mga nangyayari dito sa bar. Iniwasan ko ang mga personal question niya kung paano ako napunta dito gayong ang bata ko pa.
Hindi rin nagtagal, inumpisahan na niya akong halikan kung saan-saan. Dom ang gusto niyang itawag ko sa kanya. Isa siyang negosyante. Isa ring malalapit sa mga pulitiko. Mas bata siya kay Senator ng ilang taon.
Yaan lang naman ang nakukuha ko sa pakikinig sa usapan nila. Nasa America ang pamilya niya at bilang ngayon lang nakabalik— ito ang regalo sa kanya ni Senator.
Ako.
Hindi ko alam kung dito na ba namin gagawin o ano?
Nasa ibabaw ko siya, sapo ang isang dibdib ko. Ang isang kamay niya, nilalaro ang baba ko paikot-ikot habang madiin akong hinahalikan sa labi. Nanggigigil.
Hindi ko magawang mag-focus sa ginagawa at sa tamang gagawin ko dahil, alam kong may nanunuod.
“Ahh . . . Daddy. . .” mahabang ungol ni Tricia na mas lalong ikinainit ng ulo ko.
“Should we do it here or somewhere else?” tanong niya sa akin. Tumayo siya para luwagan ang suot na sinturon.
“Nah-ah, you can’t have her, Doms.”
“W-wha. . . why?” binalinagn siya ni Dom. “Come on.”
“She’s mine.” Puno nang pag-aasar ang mukha ni Senator. Umupo ako, inayos ang suot at palitan silang sinusulyapan.
“Kuya, meron ka na. Sa akin na ‘tong isa!” Tinuro niya si Tricia. “Ayaw ko mabitin. Damn!”
Tumawa si Senator. Tumayo ako. Walang pakialam naman na umiindayog si Tricia sa kanyang kandungan. Labas ang dalawang dibdib nitong umaalog bawat galaw niya. Nakangusong bumaba si Trica sa kandungan niya nang senyasan siya ni Senator na huminto. Wala naman pakialam si Senator na makita ng iba ang ari niyang kumikinang pa sa pagkabasa.
Hindi na ako nag-abala pa tingnan ang itsura ni Tricia. I know masama ang tingin niya at sa ungol niya, sarap na sarap na ito’t malapit na.
“I don’t share my girls until I’m done with them. Lalo na siya. If you want, magpapadala ako ng ibang babae dito. Maraming bata’t magaganda—” Hindi na niya natapos ang saasabihin nang sumigaw si Dom.
“No. Damn you!”
With that, umalis si Dom. Napatili kami ni Tricia nang sipain niya ang lamesa. Naglaglagan ang ibang inumin doon sa sahig.
Tumatawa namang inabot ni Senator ang coat niya’t itatakip sana sa kanyang ari. Hinapit niya si Tricia sa batok para itutok sa bibig niya ang ari nito. Napairap ako nang titigan niya ako. Ang dalawang lalaki, tulog na sa labis na kalasingan. Wala na akong narinig kung hindi ang paghihirap ni Tricia sa pagsubo sa kabuuan nito. Napapamura siya. Naduduwal pero patuloy pa rin. Halos idiin na siya ni Senator sa kanya. Napapaikot ang mga mata niya at halos sambahin ang pangalan ko kasabay ng pag-abot niya sa dulo.
Tumayo ako at lumabas. Bahala na kung magalit sila. Gusto ko magpahinga nang maaga.
Nangdidiri ako sa nangyayari. Nagagalit ako kay Senator at kay Tricia. Sana lang masaya siya ngayon. Siya ang naghirap at nagpakapagod magtrabaho pero pangalan ko naman ang binabanggit ng lalaking gusto niya.
Tsk! Magsama sila.
Nagdadabog na nakarating ako sa kwarto namin. Nagtaka ako nang bukas ang ilaw at may tubig na lumalagasgas.
“Marga?”
“Ahm. . . yes?”
“Ang aga mo naman? Wala siya?”
Umupo ako sa kama ko. Inabot ang cotton pads. Nilagyan ko iyon ng micellar water at nag-umpisa nang magtanggal ng make-up.
“Nope. Sunduin niya ako mamaya. I-ikaw? Bakit ang aga mo ata?” sumilip siya mula sa maliit na siwang ng pintuan ng banyo. May mga bula ang buhok niya. Nakapikit ang isang mata niya habang ini-scrub ang kanyang anit.
“Na-bwisit ako, e.”
Tumawa naman siyang ipinagpatuloy ang pagligo. Umaalingasaw sa buong kwarto ang amoy strawberry na shampoo niya. Hindi nagtagal, lumabas siya nang naka-twalya lang. Nakaikot sa kanyang ulo ng isang pang tuwalya.
“Ano ganap ngayon? Inaway ka na naman ba nila?” tanong niyang inabot ang kanyang lotion.
“Hindi. Ang bait nga ng bruhang iyon.”
Naalala ko na naman kung paano ako purihin ng isang ‘yon sa VIP kanina. Syempre, hindi puri iyon. Insulto. Sabihan ba naman ako na nagmumura pa lang at wala pang gaanong experience.
Hinayaan ko si Senator ang magsalita for me. . .
“Iyon nga ang masarap! Hindi pa laspag. Fresh pa! Ako pa nagturo sa kanya on how to handle me and make me c*m like a shower. And look— what a great little girl I ever made.”
Nginitian ko siya ng matamis. Itinuro siya sa maarteng paraan. Taas noo akong sumulyap kay Tricia na hindi nagustuhan ang compliment na natanggap ko mula sa lalaking kinababaliwan niya.
“So. . . ano ganap at nakabusangot ka? Nandoon si Senator, ah? Nakita ko kanina sa VIP hallway.”
“Hmm. . . magkasama nga sila. Ayon, nagkakaldagan.”
“O. . . M. . . G. . . You mean. . . .” umupo siya sa kama ko. Ang laki ng mga matang hindi makapaniwala.
“Uhm. . . sa wakas nagtagumpay din ang bruha.” Sabi ko. Tinanggal ang false lashes ko.
“Gagawin niya talaga lahat makuha lang ang gusto, ano?” Nagsimula na siyang magpahid ng lotion sa kanyang hita. “So, selos ka na n’yan?”
“Ako? Hindi, ‘no! Naiinis ako kasi. . . siya ‘tong nagsabi na bawal ako sa ibang lalaki. Siya pa nga nagdala ng guest sa VIP tapos ako ang gusto. Itong gago, ayaw pumayag. Kesyo daw sa kanya lang ako. . . ayon naman, si Tricia ang kinama. Ouch!”
Napadami ang lagay ko sa cotton pads kaya mahapdi ito sa mata. Diniinan ko ang isang mata ko. Mahapdi na mainit ito.
“So, naiinis ka kasi hindi mo natikman si Senator kasi na mukbang na ni Tricia?”
“Gosh! No. Naiinis ako kasi, sayang ang makukuha kong info kay Dom. ‘yung bisita niya from U.S daw. Alam niya kung sino ang may-ari. Parang madami siyang alam.”
“Ohh. . . Danie, mag-iingat ka sa gagawin mong ‘yan. Alam mo naman kung ano ang pinapasok na ‘tin. Sasabak tayo sa gyerang may thousands of sundalo at tayo wala ni isang armas kung hindi puday na ‘tin.”
Pumalakpak ako. Pinuri siya. “Grabe, sis! What a— ang ganda ng sinabi mo! Ang daming aral na pumasok sa puday ko.” Inirapan ko siya sa huli kong sinabi.
“Thank you, sis!” nakipag-apir pa siya. “Kidding aside, handa ka na ba?”
Tumahimik ako. Tinitigan ko siya. Handa na ba ako?
“Kung mamatay man ako, gusto ko lumalaban ako. Kakapit ako sa 1 percent na tiyansang makakaalis ako dito.”
Hinawakan ko ang kamay niya. Tumatango siyang niyakap ako. “For us.” Niyakap ko siya nang mahigpit na parang ito ang last.