Danie POV “Bakit ang baho dito?” Napabaling ang tingin naming lahat sa taong nasa pintuan. Hindi niya maituloy ang pagpasok sa loob ng kusina, hawak ang ilong niyang napapaatras. Naibaba ko ang sandok sa katabing platito malapit sa kalan. Mula sa masayang pagku-kwentuhan namin, hindi namin napansin ang pagdating niya. Lahat kami may kanya-kanyang ginagawa, pinagtutulungan ang pagluluto at paglilinis dito sa kusina. “Ma’am, good morning po,” alanganing bati ng isang kasambahay malapit sa kanya. Nanliliit ‘tong yumuko. “Ano bang niluluto niyo? Basura?” aniya, pinaypayan ang mukha. “Ah, ma’am, nagluluto po kami ni m’am Danie ng binagoongang baboy.” alanganing aniya after ng ilang minutong walang sumagot, nagkakatinginan silang takot na sumagot. Nag-aalangan akong patayin ang apoy sa kala

