Danie POV “Hindi ako papayag! Kailangan matanggal mga— bastos mong empleyado. Hahayaan mo na lang bang gano’n nila ako sagot-sagutin, Samuel?” Nanggagalaiting n’yang winaksi ang kamay ni Liam. Pinapatigil niya ‘to sa pagwawala. Hindi s’ya nagpapaawat. Mula kaninang nagkagulo, nagsisigaw na s’ya, hanggang sa kailangan na siyang matignan ng doctor. Mabuti na lang araw ng check-up ngayon ng Don at nandito ang kaibigan nilang doctor, inaanak pa. Nalaman ng Don ang nangyari, pinapunta niya kaming lahat dito sa opisina niya. Si Liam, ang nanay niya at ang bago nitong asawa na si Berdon. Halos mabugbog nito si Mang Gaston kanina. Mabuti na lang naawat ng iba pang mga tauhan na— sa ‘di sinasadya, nasuntok siya nang akmang susuntukin niya si Mang Gaston na nasa likod ko, umalalay sa akin para m

