Danie POV “Mabuti naagapan. It could lead to mild stroke or worse pa.” Nakatayo kami sa labas ng pintuan kasama ang inaanak niyang doctor. Pinapaliwanag niya sa akin ang mga gamot at ilang dapat gawin. Nasa ‘di kalayuan si Manang. Sinenyasan ko siya at dali-dali itong lumapit sa amin. Para bang naghihintay lang siyang tawagin ko para makibalita. Lahat naman ‘ata, nag-aalala sa naging kalagayan ng Don. “Sa ngayon, pahinga muna siya. Make sure na nakakainom siya ng gamot niya, sapat na tubig, at pahinga. Makakatulong din na hindi muna siya lumabas ng kwarto. Mag-stay sa malamig na lugar, makakatulong ‘yon para hindi siya hingalin. Sa init kasi ng panahon ngayon, marami talagang inaatake bata man ‘yan, ano pa kaya ang edad ng Ninong, 67 na siya.” Huminga ako ng malalim at nagpasalamat

