Pasipol-sipol na pinagbuksan ni Ken ng pintuan si Sachi at tsaka ito inalalayan sa kaniyang siko patungo sa b****a ng restaurant. Pinagbuksan niya rin ito ng pinto ng hindi binibitiwan ang kaniyang siko. Kung nasa katinuan si Sachi ay kanina pa niya dapat tinabig ang kamay ni Ken na malayang humahawak sa kaniya ngunit hindi. Dahil tinakas na ni Ken ang kaniyang katinuan.
Si Tristan ang huling halik niya ngunit ng halikan siya ni Ken kanina ay tila naging si Ken ang kaniyang first true kiss. Mababaw lang ang halik ngunit nagdulot iyon ng libo-libong boltahe sa kaniyang katawan. Nagawa niyong gisingin ang natutulog na parte ng kaniyang katawan. Hindi lang niyon pinakabog ng malakas ang kaniyang puso kundi ay hinalinghing din ng halik na iyon ang gitnang parte ng kaniyang katawan. And if that kiss deepened earlier, Sachi is sure that she’ll be Ken’s food right now.
She’s simple and adventurous. But she’s not innocent when it comes to that thing.
“I will kiss you again if you keep on licking your lips.” bulong ni Ken habang naglalakad sila patungo sa mesa kung saan ang kanilang mga magulang.
Napalunok ng marahan si Sachi at tsaka na pinaglapat ang labi. Hindi naman siya masunuring dalaga pero si Ken ay daling pasunudin siya. Ngayon pa lang ay kailangan na niyang dumistansya sa binata.
Kung hindi hihingiin ang kaniyang opinion ay hindi nagsasalita si Sachi. Talagang inokupado ng halik na iyon ang isipan niya. Nakatuon lamang sa pagkain ang kaniyang atensyon at pilit na hindi inaangat ang tingin kay Ken na bulgaran siyang tinitigan. Ni sinipa na niya ang paa nito sa ilalim ng mesa para pasimpleng suwayin ngunit nginisihan lang siya ni Ken.
Hindi nanaman nakatanggi si Sachi ng sabihin ng kaniyang ina na ihahatid pa sila sa kanilang bahay. Gusto na lang niyang sumabay sa ina ngunit si Ken ay iginiya na siya sa kaniyang sasakyan. Tanging masamang tingin lamang ang nagagawa niya dahil hindi niya kayang magalit. That is her weakness.
“Do you want me to kiss you again? Para naman sumigla ka?” puno ng panunuya na sabi ni Ken.
Sachi rolled her eyes. “You are a plain flirt, aren’t you?”
Ken laugh. “I’m not.”
“Oh really?”
“Yes. It’s just that, you’re a temp.”
Sachi’s mouth literally shut after hearing those words. Para din siyang kinilabutan sa hindi malamang dahilan. When was the last time I feel this? Tanong niya sa isipan. She cannot recall the last time she feel something like this. She cannot the recall the last person who made her feel tingling sensation and butterflies in her stomach. Hindi na niya matandaan pa kung kalian iyong huling beses na natahimik siya dahil sa isang salita o komento. Wala. It feels like, Ken is her first again.
Naging tahimik na ang dalawa sa byahe at tanging ang musika na lamang sa stereo ang nagsisilbing ingay sa pagitan nila. Kahit gabi ay hindi nila natakasan ang trapiko. Kaya naman sa huli ay hindi na naiwasang makaiglip ni Sachi.
Ken is about to say something but he saw Sachi already sleeping. Dahil traffic naman ay kinuha na iyon ni Ken na pagkakataon para matitigan ng malaya ang dalaga. She’s simply beautiful. Talagang hindi maiwasang komento ni Ken. Kahit pa yata ilang foreigner na babae ang makita niya ay mangingibabaw pa rin ang itsura ni Sachi. Habang nakatitig sa payapang mukha ni Sachi ay napangiti siya ng maalala ang naging halik nila kanina.
“Damn it. You are not my first kiss but yours is the most memorable and the most delectable.” aniya bago ilagay sa likod ng tainga ni Sachi ang ilang hibla ng kaniyang buhok na tumatakip sa maganda niyang mukha.
Bago muling ibalik sa daan ang kaniyang tingin ay inayos niya muna ang pagkakahiga ng dalaga upang maayos itong makatulog. Sa tanang buhay ni Ken, ngayon lang ulit siya natuwa sa pagdra-drive. And that thanks to Sachi’s presence.
Humihikab na bumangon si Sachi kinaumagahan bago mapatingin sa malaking orasan sa kaniyang silid. Magtatanghali at halatang napasarap siya sa pagtulog. Bago bumaba sa kanilang bahay ay ginawa muna ni Sachi ang kaniyang morning routine. She’s wearing a simple white satin pajama terno. Katulad ng nakasanayan sa Australia, wala siyang suot na bra ngunit nakalugay ang mahaba niyang buhok at iyon ang nagsisilbing takip sa kaniyang dibdib upang hindi masyadong halata.
Pagdating sa dining ay napatanga si Sachi. Hindi niya lubos inaasahan ang nakita. Gusto niyang tumakbo pabalik sa kaniyang silid at tsaka magsuot ng bra ngunit huli na. Huli na dahil nabato na siya sa kaniyang kinatatayuan. Due to embarrassing, she slightly crosses her arms in her chest.
“G-Good morning!” bati niya sa lahat at naupo sa katapat na upuan ng kaniyang ina…sa tabi ni Ken.
“Morning.” they greeted back.
Awkward na kumikilos si Sachi at hindi niya magawang mag-enjoy sa pagkain dahil sa nahihiyang pakiramdam. Nasisiguro naman niyang walang nakapansin na wala siyang suot na bra dahil nakatakip ang kaniyang buhok ngunit nahihiya talaga siya. Ikiniling niya ang kaniyang ulo at tsaka na lang nagpatuloy sa pagkain.
Sa kalagitnaan ng kaniyang pagkain at pasimpleng sumandig si Ken sa kaniyan. “Finish your food now and go to your room.” aniya. “And wear your bra.”
Bulong lang iyon ngunit talagang tumindig ang balahibo ni Sachi sa kaniyang buong katawan. Lalo nan g maramdaman ang hininga ni Ken sa kaniyang balat. May kung ano na kumiliti sa kaniyang katawan dahilan para mariin siyang mapapikit. At katulad ng sabi ni Ken ay tinapos niya nga ang kaniyang pagkain at mabilis na bumalik sa kaniyang silid.
Pagbuntong-hininga ang tanging nagawa ni Ken ng tumakbo na pabalik si Sachi sa kaniyang silid. That sight made him feel something inside him. Ayaw niyang magkasala ang kaniyang mga mata ngunit dahil si Sachi iyon ay tila handa na siyang magkasala. But no. Kaya naman pinigil niya ang init na iyon at pinagsuot ng bra si Sachi. Kahit pa nakatakip ang mahaba niyang buhok ay halata pa rin ang mayayamang dibdib nito.
Habang nasa sala si Ken ay hindi niya maiwasang maglibot sa sala at pagmagmasdan ang mga frames na naroon. Halos mukha lahat ni Sachi ang nakadisplay. Mula ng sanggol hanggang sa magdalaga ito. And while staring at those pretty photos, Ken can’t help but to smile from ear to ear. Nang madako ang kaniyang tingin sa isang larawan na bago ay mabilis niya iyong kinuha at isinilid sa kaniyang wallet. Mabuti na lang at wallet size lang iyon kaya kasyang-kasya sa kaniyang wallet. Nang makitang walang nakakita ay swabe siyang naglakad pabalik sa sofa at umarteng walang ginawa.
Pagbaba muli ni Sachi ay naroon na sa sala ang lahat. Sumalubong sa kaniya ang mukha ng ina na tila nag-aalala. “Do you have plans today, Sachi?” tanong ng ina.
“Wala naman, Mom.”
“Good. Puwede bang ikaw na ang humanap ng new cater? Nagkaroon kasi ng problema iyong nakuha namin. Ken, can you accompany my daughter?”
“Oh, sure, Tita.”
“Mom? Akala ko ba ay ayos na ang lahat. Bakit kung kalian malapit na ay nagka-aberya pa?” angal na tugon ni Sachi.
“Ayaw mo ba? Sige, ako na lang.” sabay pilit na ngiti ni Violy at hindi inaasahan na mapapatingin si Sachi kay Ken.
Umiling-iling si Ken at agad na naramdaman ni Sachi ang pagkaguilty. “No, Mom. Wala naman akong sinabi na—”
“We’ll go ahead, Tita, Dad. Don’t worry, kami na po ang bahala.” singit ni Ken at agad na hinanap ang kaniyang kamay at hinila palabas ng bahay.
Habang nasa byahe ay tahimik lamang ang dalawa. Wala naman silang pag-uusapan kaya hindi rin sila kumikibo. Nakakailang restaurant na rin sila ngunit ni isa roon ay wala pa silang nagugustuhan. Kanina, habang nasa byahe ay nag-isip na si Sachi ng maganda para sa reception ng kasal. Gusto niyang kahit sa bagay na ito ay makabawi lamang siya.
“I know that I made you feel uncomfortable with me.” biglang saad ni Ken kaya napabaling sa kaniya si Sachi. “I don’t feel sorry about the kiss thou.” sabay basa sa kaniyang labi. “But I want to get along with you. Lalo na at ikakasal ang parents natin.”
Napatango-tango si Sachi. Wala naman siyang problema doon at gusto niya ring maging maayos ang samahan nila para sa parents nila. Iyon nga lang, dahil flirt si Ken ay hindi talaga naiisip ni Sachi na magiging komportable sila isa’t isa. Pero ngayong si Ken na ang nagsabi niyon ay baka pwede na. Pwede na silang maging komportable sa isa’t isa.
“That’s fine with me. Basta huwag ka ng flirt.” bulgarang sabi ni Sachi na ikinatawa ni Ken.
“Basta ba’y huwag ka na ring temp.” sagot nito.
“What!?” gulat na baling muli ni Sachi kay Ken. “I’m not doing anything!”
“That’s it. You are a temp without doing anything.”
“It’s not my problem anymore. Basta, huwag ka ng flirt.”
“I will.” sabay kindat ni Ken sa kaniya na ikinailing ni Sachi.
At katulad ng naging kasunduan nila ay naging maayos nga sila sa isa’t isa at parehong inalis ang pagiging awkward sa pagitan nila. They feel both comfortable with each other. Ilang restaurant pa ang kanilang binisita ngunit wala pang nakakapantay sa taste nilang dalawa.
“Geez. We still have some days before the wedding right?” tanong ni Sachi kalaunan habang nagme-meryenda silang dalawa ni Ken.
Ken nodded. “Why don’t we go to the first restaurant that we inquired about?”
Umiling si Sachi habang iniinom ang shake nito. “Ayoko. Hindi ko type ang recipes nila.”
“So? Uuwi tayo ng walang nahahanap? Baka mag-alala si Tita.”
“It’s okay. Ako na ang bahala kay, Mo—Oh! I know na!”
“Hmm?”
“I will call my friend. Noong birthday ng Mom niya ay ang ganda ng cater. I want that one.”
Napangisi si Ken sa inasta ni Sachi. Para itong bata na naalala ang gusto niyang laruan. Dahil wala naman silang nahanap ay nagpasya na silang umuwi ngunit mayroong naisip si Ken. Kaya sa huli ay doon sila nagtungo imbes na umuwi na.
Pamilyar si Sachi sa kanilang dinaraanan ngunit hindi niya alam kung saan sila talaga pupunta. Kung bakit sumama siya ay hindi niya rin alam. Pero kahit ganoon ay nararamdaman niyang safe niya. Napatango-tango na lang si Sachi ng makapasok sila sa parking lot ng mall. Naging excited ang kaniyang pakiramdam dahil matagal na rin simula ng makapunta siya sa Venice Grand Canal Mall. Ngunit ang kaniyang excitement ay biglang naglaho ng maalalang hindi niya dala ang kaniyang credit card!
“What’s with the face? Hindi mo gusto dito?” tanong ni Ken habang naglalakad na sila sa loob ng mall.
Umiling si Sachi at tsaka nito ipinamulsa ang dalawang kamay sa suot na pants. “I like it here. I want to go shopping. Ang kaso…hindi ko dala ang card ko.”
Napataas ang kilay ni Ken at tsaka ito natawa sa kawalan. “How about your cash?”
Nakangusong umiling muli si Sachi. “I don’t use cash in my shopping kasi kulang. Walang ten thousand na cash sa wallet ko. I don’t usually do withdraws.”
Napamaang na pinanood ni Ken si Sachi sa paglalakad at tsaka ito muling umiling. Hindi niya mapigilang matawa sa sinabi ng dalaga. Ngayon lang siya nakakita ng dalaga na walang malaking pera sa wallet dahil tamad magwithdraw. And it also amaze Ken that Sachi can stop herself from shopping because she doesn’t have her card and cash. It’s a small thing. Pero dahil kaugnay si Sachi ay napapantastikuhan talaga si Ken.
“Alright, go shop. You can use my card.” saad ni Ken ng maabutan si Sachi sa paglalakad.
Kusang napahinto si Sachi ng marinig ang alok ni Ken. Kay hirap tanggihan niyon ngunit wala siya sa mood magshopping. “No thanks. Pero wala ako sa mood magshopping ngayon. But that doesn’t mean that I won’t accept your offer. I can use your card next time. That’s sure.”
Tuluyan ng napamaang si Ken kay Sachi at hindi makapaniwalang hindi ito tumanggi sa kaniyang alok. Well, wala naman talagang tatanggi sa ganoong alok. Pero ilan sa kakilala ni Ken ay nasisiguro niyang magpapa-kipot pa at magpapa-pilit pa. Pero si Sachi ay hindi na. Walang hiya niyang tinanggap ang alok bagaman sa susunod pa niya ito gagamitin. Umiiling na napangiti si Ken bago muling abutan sa paglalakad si Sachi.
Dahil wala naman sa mood si Sachi na magshopping ay nagwindow shopping na lang sila. Pagkatapos niyon ay napilit ni Sachi si Ken na magbangka sa canal. Naroon naman na sila kaya hindi na palalampasin pa ni Sachi ang pagkakataon na makasakay. Lalo na at libre pa ni Ken,
Habang nagbabangka ay aksidenteng napatingin si Sachi kay Ken na nasa harapan niyang upuan at nasa paligid ang paningin. Dahil abala si Ken sa pagtanaw sa paligid ay malayang natitigan ni Sachi ang binata. Kahit saang anggulo ay hindi niya maitatanggi na gwapo ito. But aside from that, hindi niya rin maiwasang mapangiti. It has been a long time since she goes hang out with a guy. Kaya naman ngayon ay literal siyang masaya dahil pagkatapos ng ilang taon, heto at gumagala nanaman siya ng may kasama.
Paglingon ni Ken sa gawi ni Sachi ay sumalubong sa kaniya ang nakangiting mukha ni Sachi. Dahil doon ay kusa rin siyang napangiti. They both smile at each other while looking at each other’s eyes…soulfully.