“Denise?” Tila mapupugto ang aking hininga pagkabanggit ni Joaquin sa pangalan ko. “Why are you calling?” nag-aalala pa niyang tanong. I cleared my throat. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko para makapag-usap kami ng maayos. Pero tila unti-unti akong nawawalan ng lakas na ituloy pa ang mga sasabihin ko. “S-Si JD!” Tanging nasambit ko sa kanya. “Bakit? Anong nangyari kay JD?” Napapasinghap na ako nang muli akong tumugon, “may sakit si JD!” Noong gabing iyon ay sa private room ng ospital ako natulog kung saan naka-confine si JD. Sobrang bilis ng mga pangyayari, hindi ko na alam kung paano nagawang mabilis na makapag-book ng flight ni Joaquin pabalik ng Pilipinas. Kinabukasan, pagmulat ng mga mata ko ay laking gulat ko nang makita ko si Joaquin na kasama na nami

