Chapter 10 - Dismay

2063 Words

Ang presensya ni Manang Maria rito sa loob ng penthouse ni Joaquin ang nagsilbing distraction ko. Kahit mahirap, wala akong ibang dapat gawin kundi ang piliting mag-move on at tanggapin na lang na hindi talaga siguro kami ni James ang nakatadhana para sa isa't isa. "Naibalita sa akin ni Henry na lasing na lasing daw si Sir kagabi." Natigil ako sa malalim na pag-iisip nang magsalita si Manang; abala siya sa pagsasalin ng orange juice sa aking baso. Agad akong tumango. "Opo, nagising po kasi ako mga bandang alas onse. Naabutan kong hinahatid siya ng mga staff niya sa kanyang silid." Tipid siyang ngumiti at tinabihan ako ng upo sa sofa. "Napapadalas ang paglalasing niya nitong nakakaraang mga araw. Pero sa tingin ko ay pinakanalasing siya kagabi," paninigurado niya. Bakas ang pag-aalala s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD