“It’s a pleasure to meet you Denise,” magalang na pamamaalam sa akin ni Engr. Berdaje pagkatapos nilang mag-usap ni Joaquin. Matamis na ngiti naman ang iginawad sa akin ni Lucy bago nila kami tuluyang talikuran. Akmang maglalakad na sila papunta sa kabilang lamesa nang ako’y tumugon. “It’s also my pleasure sir. Mag-iingat po sana kayo!” masiglang sambit ko habang isang makahulugan at nakakapasong titig ang ipinupukol ko ngayon sa katabi kong si Joaquin. Gusto ko na talagang sumigaw para marinig ni Engr. Berdaje ang mga tumatakbo sa isip ko. Mag-iingat po sana kayo sa mga ahas at higad sa paligid n’yo! Mabilis akong nilingon ni Lucy habang nakaawang ang bibig; matalim na irap ang iginanti ko sa kanya. Sinabayan ko ng upo sa iniwanan kong pwesto kanina. Si Joaquin naman ay tahimik lang na

