Malalaki ang naging paghakbang ko para masundan silang dalawa sa loob ng silid ni Joaquin. Buong tapang kong pinihit ang door knob ngunit hindi ko na itong nagawang buksan dahil sa pagkaka-lock nito. Napaatras ako dahil doon. Kailangan pa talaga nilang mag-lock? Bakit? Dahil ba ayaw nilang maistorbo? Napatulala na lamang ako sa harap ng pinto. Parang sasabog na ang utak ko dahil sa samu't saring bagay na naiisip kong ginagawa nilang dalawa ngayon sa loob. Hindi ko na namalayan ang mga luhang wala ng tigil sa paglalaglagan mula sa aking magkabilang mata. Ang tanga-tanga ko kasi! Nahalikan lang niya ako masyado na akong umasa! Wala namang kami, wala naman siyang sinabi na boyfriend ko na siya. Sinabi lang naman niyang magiging responsable siyang ama. Wala naman siyang sinabing magiging re

