Paulit-paulit akong napapailing. "You like me huh?" naiirita kong tanong. Sarap supalpalin ng bibig niya. Sinadya niya pang lakasan ang boses, halatang kumukuha ng atensyon sa mga taong dumadaan. Gusto yata nito na dumugin ako ng lahat. Ngiti at paulit-ulit na nagpagtango ang sagot niya kasabay ang paglapit sa akin. "D'yan ka lang." Pandidilat ang kasabay ng sinabi ko. May kasama pang duro. Akmang hahawakan na naman niya kasi ako. Feeling talaga 'to. "Erica, hindi pa ba sapat ang ginawa ko kanina? Pinagtanggol na nga kita sa mga kaibigan ko. Ano pa ba ang dapat kong gawin, maniwala ka lang na gusto kita?" Nasapo ko ang noo ko. Gusto ko pa nga sanang tumawa ng tumawa, pero baka naman isipin niya na natutuwa ako dahil gusto nga raw niya ako. "Feeling dehado ka rin 'no? So, gusto mo

