“Hoy, Apple. Kangina pa ako daldal ng daldal ano bang problema mo?" takang tanong, ingit na sabi ng kaibigan niya sa kabilang linya. Kausap pa nga pala niya ito at magkausap sila habang natigilan siya bigla ng may maalala. Medyo, naguguluhan ang utak niya. Naiisip niya ngayon ang lalaking kasama niya sa tinutuluyan niya. Para siyang nafreeze habang dumadaldal ang kaibigan. Yung utak niya nafreeze habang binabalikan ang mga nangyari sa kanya. Napahugot siya ng malalim. Nakatayo pa rin siya sa isang tabi ng mapahinto siya at maalala ang perang ibinigay sa kanya ng lalaki. “Apple?" mahina na tawag nito. Hindi na ito sumigaw, nagpalakas ng boses while she talked with her. Mahina na ang boses nito na nagsasalita. Binagalan na rin nito ang bawat letra ng mga paraan nito sa pagtatanong. Parang

