Napatigil ako sa pagkuha ng tinapay noong biglang hinigit ni Amara ang kamay ko. Napakunot ang noo ko habang napapalingon sa kaniya. Kinuha niya ang tinapay at ibinalik niya ito sa plastic. Mariin na tingin ang ibinigay ko sa kaniya. Tinanong ko sa kaniya kung anong kailangan niya. Nginitian niya ako nang sobrang lawak. Napaartas ako dahil alam ko na naman na may binabalak siya. Lumapit siya sa akin habang nakangisi. Sinabi niya sa akin ang plano niyang gawin. "Ano! Pupunta ka sa Baclaran tapos isasama mo pa ako?" mariin kong tanong sa kaniya. Tumango siya habang hinahawakan ako sa balikat. Napairap ako dahil sa kaniyang sinabi. Nananahimik ako rito tapos bubulabugin niya na naman ako? "Papahulaan kita, eh!" sabi niya habang hinihigit niya ang laylayan ng damit ko. Inis ko itong inalis

