The smartest thing a woman can ever learn is to never need a man in her life.
Hindi ko kailangan ng lalaki dahil kaya kong mabuhay ng mag-isa. Kaya kong magtrabaho at tustusan ang sarili kong pangangailangan. Hindi ko rin gusto ang maikasal at magkaanak dahil hindi na naman ito basehan para maging buo ang isang babae.
I don’t need a man. I became allergic to their kind. Hindi ko gusto na napapalapit ako sa kanila. Miski ang kausapin sila ay hindi ko matagalan. I became a manhater. Maraming lalaki sa business world at hindi maiiwasan na may makadaupang palad ako, ngunit kung hindi naman importante ang pag-uusapan ay secretary ko ang pinapa-meet ko sa kanila. Minsan ay video call ang meeting namin at ayos lang naman ito sa investors, and clients ko.
Apat na taon na ang lumipas mula noong muntik na akong maikasal kay Sylvester. Pamula noon ay hindi ko na siya nakita. Napuno yata sa kahihiyan kaya umalis na ng bansa. Wala naman akong pakialam na sa kaniya at mabilis ko rin siyang nakalimutan. Isang buwan lang ay hindi ko na siya kilala. Mga tao na lang sa paligid ko ang nagpapaalala sa akin na mayroon pala akong lalaking dapat ay pakakasalan dati.
Mabilis talaga akong makalimot sa mga tao o bagay na walang halaga sa akin.
Mas naging busy ako sa pagpapalago ng negosyo ko. Naging maganda ang business ko kaya nakilala ako sa business world. Maraming kababaihan ang tumatangkilik ng aking mga cosmetic. Ang aking cosmetic brand ay popular na sa buong mundo. Ang sabi nila ay suwerte raw ako dahil apat na taon lang daw ay nagawa ko nang makilala at mapalago ang aking cosmetic brand. May ilang naiinggit sa akin kaya madalas na sinisiraan nila ako. May iba pang tao na ginagamit ang kasikatan ko para makapanloko. May ibang gumagawa ng mga peke kong make up products, at ipinagbebenta rin ng mahal.
Marumi ang kalakalan sa negosyo. Maraming maiinggit kaya sisiraan ka pag nasasapawan mo sila. Hihilahin ka rin nila pababa. Hindi naman ako nagpapatinag dahil alam ko na kung paano sila ihahandle.
“Ready na ba ang lahat?” tanong ko sa bago kong secretary. Mas binilisan ko ang paglalakad kaya naiwan ko siya.
“Yes, Ma’am Britta,” rinig kong sagot niya sa akin. Narinig ko ang pagmamadali niya sapagsunod sa akin.
Binuksan ng security guard na nakabantay sa labas ang glass door. Taas noo na pumasok ako sa loob ng building ko. Hindi ko na pinansin ang pagbati sa akin ng babaeng security guard. Marami akong nakasalubong na mga employees ko at lahat sila ay yumuyuko upang magbigay galang sa akin. Hindi naman ako tumigil sa paglalakad.
Napansin ko na pumantay na sa paglalakad ko ang bago kong secretary. May inabot siya sa akin. “Ma’am Brita, ito na po ang financial report na galing sa Finance Department,” wika niya habang hinihingal.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ko siya. Seryoso ang aking mukha habang pinagmamasdan siya. “Don’t call me Britta,” mariin kong sabi habang kinukuha sa kaniya ang tatlong folders.
“Ms. Matastas po ba dapat?” tanong niya sa akin kaya tiningnan ko siya at pinandilatan ko siya ng mata.
Mas lalo naman na ayokong tawagin niya ako sa last name ko. Ang Britta ay tunog mataray, ang Matastas naman ay jologs pakingggan. I really hate my name!
Gusto ko na ngang palitan ito ngunit magagalit sa akin ang mga magulang ko.
“No. Don’t call me with my last name. Ma’am Bri ang itawag mo sa akin,” matigas kong sabi.
Napansin ko na napatango siya at pagkatapos ay ngumiti siya. “Ah sige po. Noted po,” mahina niyang sabi.
Nakakunot ang noo ko habang binubuklat ang isang folder. Pinasadahan ko ng basa ang bawat pahina.
“Marami akong ayaw kaya dapat ay tandaan mo ang mga bagay na ito,” sabi ko sa kaniya habang nagbabasa sa aking isip.
So far so good naman ang takbo ng cosmetic brands ko. Mataas ang sales. Ire-review ko na lang mamaya ang isang folder para tingnan ang financial reports ng cost management and accounts.
“Opo! Alam ko po,” rinig kong sabi niya.
Isinarado ko na ang folder at pagkatapos ay naglakad na agad ako upang sumakay sa elevator. Humabol na naman siya sa akin.
Napatingin ako sa kaniyang suot na sapatos. Gusto kong sabihin sa kaniya na huwag na dapat siyang magsuot ng heels para makahabol siya sa akin nang mabilis, hindi ko na lang din sinabi dahil natutuwa akong pahirapan siya sa unang araw niya.
“What’s my first rule?” tanong ko sa kaniya noong nakapasok kami sa elevator. Inabot ko agad ang car operating panel or elevator panel, at pinindot ko ang number ng pinakamataas na floor.
“Wala po dapat makapasok na lalaki sa company mo,” bibo na sagot niya sa akin.
Diretso lang akong nakatingin sa door cladding. I can see our reflection. Mukha siyang pagod na pagod. Hindi pa siya nagsisimula sa trabaho pero sobrang haggard na niya.
Humalukipkip ako. “Yes. Huwag kang tatanggap ng lalaking aplikante kung ayaw mong matanggal sa trabaho,” bilin ko sa kaniya. Mukha naman siyang mabilis makatanda ng rules.
“Opo. Babae at transgender lang po ang tatanggapin ko,” sabi niya habang tumatanggo sa akin.
Hindi ako nagpapapasok ng lalaki sa kompanya ko. Gusto ko ay babae lang at transgender. Alam ko kasi na sila yung mga hindi na babalik sa pagiging lalaki dahil babae na ang lahat sa kanila. Sa puso, isip, at katawan.
“Good. Keep that in your mind,” matigas ang boses na sa sabi ko.
“Ilan po bang aplikante ang kailangan natin?” tanong niya sa akin.
Bumukas na agad ang elevator kaya naman lumabas na ako. Naglakad ako papunta sa malaki kong excecutive desk. Ipinatong ko ang mga folders sa ibabaw nito. Sumandal ako sa aking desk at taas noo ko siyang tiningnan. Humalukipkip ako habang binibilang sa isip ko ang mga naka-leave na employees ko.
“Twenty applicants,” sagot ko sa kaniya kaya napasinghap siya.
Marami siyang I-interview-hin pero kasama niya naman ang mga nasa HR department.
Wala sanang hiring ang kompanya ko kung hindi nagsabay-sabay na nabuntis ang mga empleyado ko. Wala namang base sa akin kung malaki ang ibabayad ko sa kanila kahit na naka-maternity leave sila, ang hindi ko lang gusto ay magdadagdag ako ng iba pang empleyado. Mahirap mag-interview. Maraming oras ang magagamit.
For me, time is gold! Hindi pwedeng laging nasasayang.
Wala naman akong magagawa dahil naaawa na ako sa mga empleyado ko dahil naipapasa sa kanila ang trabahong hindi dapat sa kanila.
“Noted po. Maglalagay na po ako sa web page natin ng hiring template,” sabi niya kaya tumango ako sa kaniya.
Tumalikod na ako sa kaniya at naglakad na ako palapit sa aking swivel chair. “Maglagay ka rin sa labas ng building,” utos ko sa kaniya habang umuupo.
“Sige po,” sagot niya kaya itinaas ko na ang kamay ko upang palabasin siya.
“Go back to work,” pagpuputol ko sa usapan namin.
Nagpasalamat muna siya sa akin bago siya lumabas. Iniikot ko ang aking upuan upang mapaharap ako sa malaking glass window. Pinagmasdan ko ang araw na sobrang tirik na tirik. Napapikit ako dahil hindi ko ito natagalan na tingnan.
“Ganito na lang ba ang buhay ko? Walang pagbabago. Nakakapagod,” mahina kong sabi habang sumasandal sa back rest ng swivel chair.
“Kailan ko kaya mararanasan ang saya kung lagi na lang akong ginagago ng lahat?” mahina kong tanong sa aking sarili.
*
Noong saktong alas dose ng tanghali ay lumabas agad ako sa aking opisina. Nakita kong nagmamadali na tumayo si Jelta. Lumapit ako sa kaniya habang inaayos ko ang dala kong shoulder bag. I don’t want to eat lunch. Nawalan ako ng ganang kumain. Mamaya na lang ako babawi ng kain sa dinner.
“Anong sabi sa’yo ni Mr. Matastas?” tanong ko habang kinukuha ang cellphone ko.
“Hindi raw po siya makakauwi mamaya. May tinatapos pa raw po siyang kaso,” magalang niyang sagot sa akin.
Napahigpit ang hawak ko sa aking cellphone habang isinasarado ang zipper ng bag ko. Tumingin ako sa kaniya at ang aking mukha ay hindi nakikitaan ng saya. “Wala ba siyang ibang pinasasabi sa’yo?” tanong ko sa kaniya.
“Wala po siyang ibinilin sa akin,” wika niya kaya naman napabuntong hininga ako.
“So, he really forget it, huh?” mahina kong tanong habang umiiling.
Birthday na nga lang tapos nakalimutan pa?
“What’s my schedule for this afternoon?” pag-iiba ko sa usapan namin.
“Ma’am Bri, here’s your schedule,” sabi niya habang inaabot niya sa akin ang schedule template.
Kinuha ko agad ito at tiningnan ko ito. Napakunot ang noo ko noong may napansin akong nabago. “Updated ba ito?” tanong ko sa kaniya habang tinitingnan siya.
Tumango siya habang nakangiti. “Opo. Mayroon pong napadagdag sa appointment mo,” sagot niya kaya napairap ako.
“Bakit ka pa nagdagdag? May gagawin ako mamaya,” mariin kong sabi sa kaniya.
Binasa ko ang nasa pinakadulo at hindi ko mapigilan ang pagbabago ng aking mood. Nakaramdam ako ng inis. Hindi ako pwedeng mahuli sa gagawin ko.
“Emergency po. Sabi po ni Mr. Orion Mc-Gallster ay aalis po siya ng bansa bukas ng umaga kaya gusto niyang mamayang gabi kayo mag-meeting,” sagot niya sa akin kaya napailing ako.
“Lalaki siya. Alam mong ayaw kong makipagmeet sa mga lalaki. Bakit hindi na lang secretary niya ang papuntahin niya?” mariin kong wika.
Pwede naman siyang hindi umattend sa meeting namin kung aalis siya. Ipadala na lang niya ang secretary niya para kami na lang ang mag-usap. Pwede rin namang sa video call na lang kami mag-usap.
“Gusto ka raw po niyang harapan na makausap dahil may importante po siyang sasabihin,” sabi ni Jetla kaya napairap ako.
Sa totoo lang ay wala naman talaga akong balak na pumayag sa alok niya na maging investor ko siya. Talagang siya lang ang lumalapit sa akin. Galawan talaga ng mga lalaki.
“Saan?” nakakunot ang noo kong tanong.
Wala akong choice kundi ang makipagkita na lang. Mabilis lang kaming mag-memeeting dahil ayokong makasalamuha ng lalaki sa matagal na oras.
“Sa Villarde Hotel po,” sagot niya kaya mas napakunot ang noo ko.
Kung hindi ako nagkakamali ay sa kaniya ang hotel na iyon. Nabasa ko ito dati sa isang magazine.
“Bakit sa hotel pa niya?” mariin kong tanong.
Huwag niyang sabihin na sa isang kwarto kami magmemeet? Baka masampal ko siya bago pa magsimula ang meeting namin pag ganoon ang ginawa niya.
“Hindi ko po alam,” nakangiwi na sagot sa akin ni Jetla. Isang linggo na siya sa akin pero mukhang takot pa siya sa akin.
“Okay. Pupunta ako roon mamaya upang makipagkita sa kaniya,” tanging sabi ko na lang.
Sana naman ay mabuting tao ang isang iyon! Unang beses ko pa lang siyang makikilala. Marami na akong narinig na bagay tungkol sa kaniya at sa mga kaibigan niya. It’s impressive. They are all a billionaire and they are also good at business.
Hindi ko nga alam kung bakit gustong gusto niyang mag-invest sa kompanya ko. Hindi pa naman nila ako kapantay sa larangan ng business. Kung pagbabasihan sa level ng class honor, nasa top one na sila habang ako ay kapapasokpa lang sa ranking.
“Sasamahan pa po ba kita?” tanong niya sa akin pero umiling lang ako.
Kinuhanan ko ng picture ang schedule niya. Ayoko na siyang tawagan mamaya para itanong ulit ang ibang information and settings. Apat ang meeting ko at dumagdag pa si Mr. Orion. Sana lang ay maging mabilis ang meeting naming dalawa dahil may kailangan pa akong paghandaan mamaya.
Hindi ako dapat ma-late ng uwi. Marami pa akong gagawin sa bahay.
“No. Kung may gawin man siya sa akin na masama at hindi ko magustuhan ay sasampalin ko siya,” matigas ang tono ng boses na sabi ko sa kaniya.
Napatingin ako kay Jetla noong narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Pinagtaasan ko siya ng kilay kaya naman napatigil siya. Yumuko siya dahil sa pagkapahiya.
“May asawa na po siya, Ma’am Bri at mukhang matino naman po siya,” mahina ang boses na sabi niya.
“Ang mga lalaki ay natural na mabilis matukso sa mga babaeng magaganda. Matino? Wala na yatang natira na kayang magmahal ng isa,” sabi ko habang seryoso ko siyang tinititigan.
Hindi na siya nagsalita kaya nagsimula na akong maglakad palayo sa kaniya.