Kabanata 20 Britta’s P.O.V Gabi na kaya nagmadali na rin ako sa pag-aayos sa mga documents na binabasa ko. Ipinatas ko ito sa aking lamesa. Kinuha ko na ang shoulder bag ko at tumayo na ako. Naglakad na ako upang lumabas sa opisina ko. Nagtungo ako sa elevator. Wala naman akong nakasabay dahil alam kong nakababa na sila. “Good evening, Miss Bri,” sabay sabay nilang bati sa akin ng mga empleyado ko noong madaanan ko sila sa security entrance. Tumango lang ako sa kanila. Malayo pa ako ngunit nakita ko na ang mahabang pila sa entrance at exit. Hindi ko na pinansin pa ang paghabol sa akin ni Mrs. Felsa-siya ang panandaliang pumalit sa secretary ko dahil hindi na ito bumalik! Noong nakalapit ako sa mga empleyadong nakapila ay doon ko lang nalaman na sira pala ang sensor ng mga glass door.

