Tinotoo nga ni Jace ang plano nito na doon muna sila pansamantalang manuluyan sa bahay ng kanyang Auntie Myra. Hin di na rin naman kasi siyang payagan ng kanyang auntie na sa apartment nila ni Jona umuwi kaya pagkalabas niya ng bakeshop, sa bahay ng kanyang Auntie Myra na siya dumiretso. Alas singko na rin siya nakauwi dahil dumaan pa siya ng supermarket upang bumili ng kanyang mga personal na pangangailangan. Nagpalit lang siya ng kanyang damit saka naghanda na upang magluto. Bumili kasi siya ng karneng baka dahil kanina pa siya nagki-crave ng kalderetang baka na medyo maanghang tapos 'yong malambot na ang pagkakaluto. Ngayon pa nga lang ay parang tutulo na ang kanyang laway sa kaka-imagine, eh. Habang pinalalambot niya ang karne, nagsaing na rin siya. Pagkatapos ay inumpisahan na niyang

