"Jace! Lumabas ka riyan! Alam kong nandiyan ka sa loob! Kung ayaw mong magkagulo tayo rito, lumabas a diyan!" Mabilis na napatayo si Jace nang marinig ang boses ni Monique. Hinila niya ito sa braso saka pagalit na nagsalita, "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo rito? Monique, nag-usap na tayo tungkol dito!" Pumiksi ito mula sa kanyang pagkakahawak. "Nag-usap? Oo, nagusap tayo regarding sa pagbubuntis ko pero hindi ibig sabihin noon na pumapayag na ako sa gusto mong mangyari. Ano? Basta mo na lang akong iiwan pagkatapos mo akong mabuntis? Gano'n ba, ha?" "Huwag kang mag-eskandalo rito-" "Kung ayaw mo 'kong mag-eskandalo, sagutin mo ang mga tawag ko! At pwede ba, alalahanin mong may pananagutan ka rin sa akin!" mabilis na putol nito sa kanyang sinasabi. Napatiim-bagang si Jace nang maki

