Chapter 75

2850 Words

Napamulat si Ara pagkuwan ay napatili at balisang napatingin sa kanyang paligid. Saka mabilis na umigkas ang kanyang palad sa mukha ni Marco na nasa kanyang harapan habang hawak siya sa mga balikat. Pagkuwan ay mabilis siyang nagtatakbo palayo rito. Tulala namang naiwan si Marco habang hawak ang pisnging nasampal ni Ara. "Anong nangyari do'n?" Tulalang sambit ni Marco habang habol ng tingin ang nagtatakbong si Ara. "Siya na nga itong ginigising at panay ang ungol kanina, ako pa ang nasampal? Hanep na 'yan! Nagmagandang loob ka na nga, ikaw pa itong nasampal!" Iiling-iling siya pumasok sa kanyang kwarto na ilang hakbang lamang mula sa garden na kinauupuan ni Ara. Samantala, habol ni Ara ang kanyang hininga saka parang nalolokong paroo't parito sa loob ng kanyang kwarto. Mabilis na tumaa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD