CHAPTER 127: Umaktong matapang at tila walang problema si Samantha sa harap ni Ally dahil ayaw niyang mahalata nito ang takot at kaba na nararamdaman niya ngayon. Ngunit pagsara niya ng pinto ng kanyang opisina, agad niyang naihagis sa lapag ang bulaklak na hawak niya na animo’y lalo siyang binabangungot ng gising dahil hawak niya pa ito. Matapos niyang bitiwan ang bulaklak ay hindi na mapakali ang dalaga. Pabalik-balik siya sa paglalakad mula sa pinto hanggang sa tabi ng kanyang mesa habang iniisip kung paano siyang nakatanggap ng bulaklak galing sa taong dapat ay wala nang buhay kagabi pa. Ang isa pa sa kinakatakot niya ay kung bakit ito nagpadala ng bulaklak dahil lang sa nangyari sa kanila kagabi na animo’y bagong bagay pa iyon para sa kanila at kinailangan niya pang ipadaan ang pasa

