CHAPTER 107: Lubos nang naiintindihan ni Samantha ang nangyayari—samakatuwid, tungkol nga sa nangyaring panibagong krimen sa City L kung bakit naulit ang meeting nila. Aminado siyang kasama siya sa mga opisyal na nanghusga kaagad na walang saysay ang patutunguhan ng meeting, ngunit ngayon ay nakikita niya nang dapat niyang pakinggan ang mga susunod na sasabihin ni Zeldris. Itunuloy ni Zeldris ang sinasabi niya. “Hindi naman na lihim sa akin na pinagdududahan ako ng marami tungkol sa pagkamatay ng vice mayor ko. May nakarating sa aking balita na usap-usapan sa buong siyudad ng City L na ako raw ang nagpapatay sa vice ko dahil nalaman ko na siya ang r****t ni Camille, ang sekretarya ko. “Pero sa maniwala kayo at sa hindi, nalaman ko lang na siya ang gumawa niyon kay Camille noong namatay

