CHAPTER 97: Hindi alam ni Samantha kung ano ang dapat niyang isagot sa tanong ni Carlo sa kanya. Maaring magaling siyang magsinungaling at magaling siyang magtago ng totoo niyang kulay, ngunit sa pagkakataong ito ay tila tinakasan siya ng galing na iyon at walang ibang laman ang isip niya kundi ang takot na baka dumating na ang araw na mabuking na ang pinakatatagong lihim nilang mag-ama. “Sino siya, miss governor? Sino ang gustong pumatay sa ‘yo?” “P-pumatay? S-sa akin?” nauutal na sagot ni Samantha. Seryoso ang mukha ni Carlo nang itanong niya iyon sa gobernador, inilapit niya pa nga ng bahagya ang kanyang sarili sa kausap para lang masabi ng mahina ang tanong niya. Sa puntong iyon ay nabawasan ng kaunti ang kaba sa dibdib ni Samantha dahil iba ang inasahan niyang iniisip ng binata sa

