Chapter 104

1540 Words

CHAPTER 104: Ilang araw matapos mabalitaan ni Samantha ang nangyaring p*****n sa City L ay maswerte namang hindi pa ito nasundan. Ngunit hindi pa rin dapat ikatuwa na hindi iyon nasundan, dahil hindi nito mababago ang katotohanan na may nangyari pa ring p*****n pagkatapos nilang ipatupad ang pagdodoble ng ingat sa bawat lugar sa dalawang probinsya. At dahil sa nangyaring panibagong krimen sa City L, humiling na naman ng panibagong meeting ang kabilang probinsya kasama ang probinsyang sakop ni Samantha. Naiintindihan niya ang hinaing ng gobernador ng kabilang probinsya, ngunit ang hindi niya matanggap ay ang posibilidad na baka maging mitsa ito ng mas lalong malaking gulo para sa dalawang probinsya. Sa pagkakataong ito, ang kabilang probinsya naman ang dadayo sa probinsya nila Samantha.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD